• Home
  • Fresh Scoops
  • TIGNAN: Showbiz royalties, nagsama-sama sa isang magazine cover

TIGNAN: Showbiz royalties, nagsama-sama sa isang magazine cover

Sa unang pagkakataon ay nagsama-sama sina Jayda Avanzado, Angelina Cruz, Frankie Pangilinan, at Lorin at Venice Gutierrez bilang showbiz royalties na bida sa bagong magazine cover ng MetroStyle nitong buwan ng Hulyo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/30/2019 5:39 PM
TIGNAN: Showbiz royalties, nagsama-sama sa isang magazine cover


Photo credit: @frankiepangilinan on Instagram

Sa unang pagkakataon ay nagsama-sama sina Jayda Avanzado, Angelina Cruz, Frankie Pangilinan, at Lorin at Venice Gutierrez bilang showbiz royalties na bida sa bagong magazine cover ng MetroStyle nitong buwan ng Hulyo. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

@metrodotstyle 🥳

A post shared by kakie (@frankiepangilinan) on

 

 

Tampok ang lima sa cover story na pinamagatang ‘The Next Generation’ kung saan ibinahagi ng isa’t isa ang kani-kanilang karanasan bilang miyembro ng kilalang showbiz clans. Una na rito si Frankie na anak ni Megastar Sharon Cuneta sa asawang si Senator Francis “Kiko” Pangilinan. Ang kanyang nakakatandang kapatid na si KC Concepcion ay isa ring sikat na aktres at singer, samantalang ang kanilang kamag-anak na sina Maricel Laxa at Donny Pangilinan ay kilala rin bilang TV personalities. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

We love you so very mich and are super proud of you, Kakie! Congratulations again!!!

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

 

Samantala, si Lorin at Venice ay mga anak ni Ruffa Gutierrez, dating beauty queen na naging aktres at TV host, sa Turkish businessman na si Yilmaz Bektas. Bukod kay Ruffa, ilan pa sa mga kilalang celebrities na miyembro ng Gutierrez clan ay sina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati, Raymond Guttierez, Tonton Gutierrez, Cristopher Gutierrez and Janine Gutierrez.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

merry christmas from mi familia to yours! 💛

A post shared by Lorin Gutierrez (@loringabriella) on

 

Si Jayda ay anak ng singers na sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado. Taong 2015 nang sumunod si Jayda sa yapak ng kanyang mga magulang at gumawa ng sariling career sa pagkanta. Sa ngayon ay isa siya sa mga pinaka-sikat na rising stars ng showbiz, kasama ang kanyang dating “ASAP G” co-members na sina Darren Espanto, Ylona Garcia, at Kyle Echarri.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

From my family to yours, Happy New Year!! 🎊✨ #happynewyear #2019

A post shared by Jayda (@jayda) on

 

Isa naman si Angelina sa tatlong anak ng former sexy star at ngayo'y aktres na si Sunshine Cruz sa dating asawang si Cesar Montano, isa ring batikang aktor. Katulad ni Lorin at Venice, galing si Angelina sa isang showbiz clan: ang sikat na Cruz family na binubuo nina Tirso Cruz III, Donna Cruz, Geneva Cruz, Sheryl Cruz, at Rayver Cruz. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

love you always ♥️

A post shared by Angelina Cruz (@angelinaisabele) on

 

Sa kasalukuyan ay kilalang artist ng Universal Records si Angelina, na siyang nakapag-release na ng kanyang debut album noong Hulyo ng nakaraang taon.