• Home
  • Fresh Scoops
  • TIGNAN: Kathryn Bernardo, ibinida ang kanyang ear piercings sa bagong IG photo

TIGNAN: Kathryn Bernardo, ibinida ang kanyang ear piercings sa bagong IG photo

Kaswal na ibida ni Kathryn Bernardo ang kanyang ear piercings sa bagong Instagram photo na kanyang ibinahagi noong Sabado.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/30/2019 6:01 PM
TIGNAN: Kathryn Bernardo, ibinida ang kanyang ear piercings sa bagong IG photo


Photo credit: @bernardokath on Instagram

Kaswal na ibida ni Kathryn Bernardo ang kanyang ear piercings sa bagong Instagram photo na kanyang ibinahagi noong Sabado.

Dito, makikita ang tatlong lobe, isang helix, at isang rook piercing ng aktres sa kanyang kanang tainga. 

“Back to IG poses 101! This time, demonstrating how to casually show off your piercings. Mwahaha,” aniya sa caption.

 

 

Matatandaang kasabay ni Kathryn ang kapwa The Hows of Us stars na sina Ria Atayde at Juan Miguel Severo na nagpa-helix piercing noong Pebrero.

 

 

Nitong Hunyo lamang ay muling bumalik ang aktres sa tattoo parlor upang magpa-rook piercing kasabay si Ria. Kasama nilang muli si Juan Miguel, ina ni Kathryn na si Min Bernardo, at kanyang supportive boyfriend na si Daniel Padilla. 

Read:LOOK: Kathryn Bernardo, Ria Atayde get matching piercings

Samantala, marami naman ang humanga sa kanyang ear piercings, kabilang na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Iza Calzado, Charlene Gonzales, Dionne Monsanto, Isabel Oli, at MJ Lastimosa. 

Sa kasalukuyan ay pinaghahandaan ni Kathryn ang theatrical release ng kanyang film kasama si Alden Richards na Hello, Love, Goodbye sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.