• Home
  • Fresh Scoops
  • Herbert Bautista bids goodbye to politics after more than 3 decades of public service

Herbert Bautista bids goodbye to politics after more than 3 decades of public service

Herbert Bautista: ‘I shall become a private citizen and experience life as a father, a brother, a tito, and hopefully not yet a lolo.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/30/2019 11:09 AM
Herbert Bautista bids goodbye to politics after more than 3 decades of public service


Hindi naiwasang maging emosyonal ni outgoing Quezon City Mayor Herbert Bautista sa kanyang term-end at valedictory address na ginawa sa newly inaugurated covered court sa loob ng Quezon City Memorial Circle nu’ng Biyernes ng hapon, June 28.

Nagsilbi na rin itong farewell at send off party ng alkalde. Naging saksi rito ang ilang DILG officials, city department heads at barangay officials, city hall employees at mga supporters ng alkalde.

Ayon sa report ni Bistek (palayaw niya), iniulat niya ang mga achievements pati na rin ang mga repormang ginawa ng kanyang administrasyon sa loob ng siyam na taong panunungkulan niya bilang chief executive ng pinakamalaking lungsod sa Metro Manila. 

“After more than three decades of serving the public, by 12 noon of June 30, I shall become a private citizen and experience life as a father, a brother, a tito, and hopefully not yet a lolo,” simulang pahayag ni Mayor Bistek.

Sa pagbaba ni Herbert sa puwesto ay aasikasuhin naman daw niya ang kanyang mga personal goals.

Aniya, “It is finally my time to become a family man and to pursue my personal goals. I had that opportunity being mayor of the biggest city in Metro Manila and it has been one of the most challenging responsibilities of my life.”

Patuloy niya, “It has been both a personal and professional mission. For this is a city where I had live through out my life and which has seen me to the quest and turns of my career especially through 30 years of public service.

“Isipin ninyo, mula sa aking kabataan, nagsilbi na ako sa ating mga kababayan,” bahagi ng kanyang talumpati.

Isa sa pinakamahalagang highlights ng kanyang farewell speech ay nang ipahayag niya na lilisanin niya ang city hall na may maiiwang pondo sa susunod na administrasyon na umaabot sa P26.272 bilyon (cash on hand and in banks at investments).

After his term-end speech at valedictory address, Mayor Bistek took his final bow at bago bumaba ng entablado, hinalikan niya ang Quezon City at Philippine flags—isang gesture na ayon sa karamihan, ay class act mula sa isang makapangyarihang tao ng lungsod.