• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Ritz Azul, happy sa pribadong love life niya ngayon

EXCLUSIVE: Ritz Azul, happy sa pribadong love life niya ngayon

Habang pinipiling maging pribado sa kaniyang love life, inamin ng ‘Los Bastardos’ actress na si Ritz Azul na masaya siya kasama ang non-showbiz guy.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/30/2019 11:38 AM
EXCLUSIVE: Ritz Azul, happy sa pribadong love life niya ngayon


Photo credit: @ritzazul on Instagram

"I'm happy," ang nakangiting sagot ni Ritz Azul sa tanong na kung kumusta na ang kaniyang love life. Sa eksklusibong interview ng PUSH sa Los Bastardos actress, sinabi nito na kuntento at masaya siya sa kasalukuyang estado kasama ang non-showbiz guy.

"Well, ang masasabi ko lang I have someone I can lean on. Parang kasing sobrang best of best friend ko siya," pahayag ni Ritz sa PUSH.

Ayon sa aktres, hindi niya pa masasabi na opisyal na "boyfriend" niya na ang naturang lalaki na malimit na makikita sa kaniyang Instagram posts.

"Ang hirap kasing i-explain e, kasi naitanong ko na rin ito sa mga magulang ko.

"Kasi yung mga magulang ko, lalo na yung papa ko, ayaw nilang tawaging boyfriend kasi para sa kaniya pag tinawag mong boyfriend, may next boyfriend pa. E ayaw niya yung papalit palit. So hanggang doon na lang muna siguro, best of best of best friend," sabi ni Ritz. 

Hindi na nagbigay ng detalye si Ritz dahil ayon sa kaniya ay masyadong mahiyain ang lalaki. 

 

 

Ritz Azul, sasabak na rin sa beauty pageants?

Samantala, inamin din ni Ritz na nagulat siya sa mainit na pagtanggap ng mga fans ang bagong love team nila ni Joseph Marco sa Los Bastardos.

"Yung unang eksena namin na lumabas sa Los Bastardos, wala kaming usap usap doon. First time naming mag-eksena—ganun lang. Kaya nagulat kami may mga kumagat sa scene na yun," kuwento niya. 

Dagdag ng aktres, simula nang mabuo ang love team na LoDi (Lorenzo at Diane) nagkaroon na rin sila ni Joseph ng pag-uusap bago gawin ang mga eksena. 

EXCLUSIVE: Joseph Marco confirms dating Miss Earth PH 2018 Celeste Cortesi

Mapapanood pa rin ang Los Bastardos araw-araw sa Kapamilya Gold.