• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda to McCoy De Leon: ‘Nakikita ko sa’yo si Coco’

Vice Ganda to McCoy De Leon: ‘Nakikita ko sa’yo si Coco’

Vice Ganda, sinabing nakikita niya ang kaibigang si Coco Martin sa Hashtag member na si McCoy De Leon.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

6/3/2019 10:05 AM
Vice Ganda to McCoy De Leon: ‘Nakikita ko sa’yo si Coco’


Photo credit: @mr.cocomartin on Instagram (L)

Sa June 2 episode ng Gandang Gabi Vice, nagkomento si Vice Ganda matapos ang production number ni Hashtags member McCoy De Leon at sinabing “Nakikita ko sa’yo si Coco (Martin.).”

Kasama ni McCoy na nag-guest sa show ang iba pang Hashtags members na sina Rayt Carreon at Wilbert Ross. 

READ: McCoy de Leon feels inspired working with Coco Martin in ‘Ang Panday’

Nagpasalamat naman si McCoy kay Vice at inamin na idol niya ang Ang Probinsyano star and director. 

“Idol ko yun si Kuya Coco, kasi napakabait, makamasa at talentado,” sabi pa nito. 

Maraming beses nang nakatrabaho ang dalawang aktor, sa Ang Probinsyano at sa pelikulang Ang Panday. 

Sa isang interview ng PUSH, sinabi ni McCoy na inspired talaga siya na pagbutihin ang kanyang career nang dahil kay Coco. 

“Masasabi kong nakaka-inspire kasi hindi ko lang siya nakita bilang direktor, nakita ko siya bilang aktor, bilang isang malikhain na tao. Sobrang talino, sobrang sipag. Ang masasabi ko lang siguro na actually wala akong masasabing flaws sa kanya kasi kung nakita mo talaga, ‘yung gusto talaga niya ginagawa niya,” sabi ng young actor. 

Sinabi din ng aktor noon na marami pa siyang ‘kakainin na bigas’ para lang matawag na susunod na Coco Martin.