• Home
  • Fresh Scoops
  • Regine Velasquez, dumipensa para kay James Reid at Moira Dela Torre

Regine Velasquez, dumipensa para kay James Reid at Moira Dela Torre

Nilinaw din ni Regine Velasquez ang tila hindi nila pagkakaintindihan ni Moira Dela Torre.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/3/2019 9:14 AM
Regine Velasquez, dumipensa para kay James Reid at Moira Dela Torre


Pinagtawanan lang ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang mga bali-balitang hindi umano nila pagkaka-intindihan ni Moira Dela Torre na naging usap-usapan kamakailan sa Idol Philippines.

READ: Regine Velasquez at Moira Dela Torre, may iringan nga ba?

Kuwento ni Regine, parte lang ng kanilang trabaho bilang hurado ang magbahagi ng kani-kanilang opinyon sa bawat lumalahok sa Kapamilya singing search.

“Parang once lang naman nangyari ‘yun. But kasi parang kanya kanya kami ng opinyon e that was my opinion, and she was trying to (share her opinion) also kumbaga pinagtatangol niya,” sabi pa ni Regine sa naganap na 35th Star Awards ng Philippine Movie Press Club. 

“Unfortunately, I didn’t see it that way, but whatever happens at the Idol table stays at the Idol table,” patuloy pa niya.

Ayon pa sa singer, bago umano niya tinanggap ang trabaho sa Idol Philippines, ipinangako na niya na magiging totoo siya sa kanyang bawat sasabihin.

“It’s part of our job. You know when I took on to be the judge of Idol Philippines, I wanted to be honest because hindi para mang-hurt ng feelings, or hindi para sirain ang dreams nila, I wanted them to be better. Kaya kailangan ko maging honest, hindi ko pwedeng sabihin na okay lang pero hindi naman,” aniya pa.

At bilang isa sa mga hurado, dumipensa din si Regine para sa kanyang  fellow judges na sina James Reid, Moira Dela Torre at Vice Ganda sa mga negatibong komento na kanilang tinatanggap sa social media.

“You know they were chosen for a particular reason, so mayroon sila, mayroon kaming kanya kanyang specialty,” saad ni Regine.

“Ako obviously, sa technicals ako, and a lot of time they don’t even question what I say, so kanya kanya kami ng trabaho and they were chosen kasi mayroon silang expertise,” pahayag pa ni Regine.

Sa ngayon, patuloy pa din sa paghahanap ng dekalibreng singer ang Idol Philippines, na napapanood tuwing Sabado at Linggo ng gabi sa ABS-CBN.