• Home
  • Fresh Scoops
  • Ogie Alcasid, Sarah Geronimo and Kathryn Bernardo, wagi sa 35th PMPC Star Awards

Ogie Alcasid, Sarah Geronimo and Kathryn Bernardo, wagi sa 35th PMPC Star Awards

Sarah Geronimo at Kathryn Bernardo nag-tie para sa Best Actress sa Star Awards for Movies na ginanap sa Resorts World Manila kagabi, June 2.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/3/2019 8:33 AM
Ogie Alcasid, Sarah Geronimo and Kathryn Bernardo, wagi sa 35th PMPC Star Awards


Hindi inakala ng singer-song writer na si Ogie Alcasid na mabibigyang pansin ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang kanyang naging pag-arte sa pelikulang Kuya Wes na unang napanood sa 14th Cinemalaya Film Festival. Itinanghal na Best Actor si Ogie ng Star Awards kagabi, June 2, sa Resorts World Manila. 

Ito ang self-produced movie ni Ogie, kung saan siya din ang nagbida kasama ang aktres na si Ina Raymundo.

Sa acceptance speech ni Ogie, pinasalamatan  niya ang kanyang misis na si Regine Velasquez at tatlong anak, na unang naniwala sa kanyang kakayahan.

“Leila, Sarah and Nate, thank you for the inspiration. To my beautiful wife for believing in me more than I believe in myself, because of that I started believing in myself,” ani Ogie.

“God! Amazing ka talaga, this means so much to me. All the glory goes to you our Father,” patuloy pa niya. 

Sa huling panayam kay Ogie, matatandaan na sinabi niya na hindi ito ang huling beses na magpo-produce siya ng pelikula.

READ: Ogie Alcasid, mag-tutuloy-tuloy na nga ba sa pag produce ng pelikula?

Bukod kay Ogie, big winner din sina Kathryn Bernardo para sa pelikulang The Hows of Us at Sarah Geronimo para sa pelikulang Miss Granny, dahil kapwa sila itinanghal na Best Actress.

Samantala, narito naman ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa 35th PMPC Star Awards:

New Movie Actor of The Year: Ryle Santiago (Bakwit Boys) and Danzel Fernandez (Otlum)

New Movie Actress of the Year:Sanya Lopez (Wild and Free)

Movie Child Performer of the Year: Ken Ken Nuyad (Liway)

Indie Movie Screenwriter of the Year: Mike de Leon, Atom Araullo and Noel Pascual (Citizen Jake)

Movie Editor of the Year: Jay Halili (Buybust)

Movie Musical Scorer of the Year: Len Calvo (Miss Granny)

Movie Original Theme Song of the Year: "Sa'yo Na" from Rainbow's Sunset

Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award: Dante Rivero

Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera: Laurice Guillen

Outstanding Pillars of PMPC: Ethel Ramos, Ronald Constantino, Letty Celi, Veronica Samio

Movie Supporting Actor of the Year: Arjo Atayde (Buybust)

Movie Supporting Actress of the Year: Cherie Gil (Citizen Jake)

Movie Love Team of the Year: Daniel Padilla and Kathryn Bernardo

Movie Director of the Year: Joel Lamangan (Rainbow's Sunset)

Movie Actor of the Year: Ogie Alcasid (Kuya Wes)

Movie Actress of the Year: Kathryn Bernardo (The Hows of Us) and Sarah Geronimo (Miss Granny)

Indie Movie of the Year: Citizen Jake

Movie of the Year: Rainbow's Sunset