Karla Estrada, ipinaliwanag ang kanyang bagong tattoo

"Pakiramdam ko ito 'yung sumalba sa akin simula't sapul," sabi ni Karla Estrada tungkol kanyang bagong tattoo na malapit sa kaniyang pulso.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/3/2019 9:00 AM
Karla Estrada, ipinaliwanag ang kanyang bagong tattoo


Screenshot from Magandang Buhay/ ABS-CBN Entertainment YouTube channel

Sa pagdiriwang ng ika-tatlong anibersaryo ng Magandang Buhay, nagtungo ng Boracay ang mga momshie hosts na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal. Kasabay nito, ay kinuha na rin ni Karla ang pagkakataon na magpa-tattoo ng salitang 'faith' malapit sa kanyang pulso. 

"Sa dami kasi ng tattoo ko, ito na lang 'yung wala. Kaya happy ako na napalagay ko na and gusto ko nakikita lagi 'yan. Kasi most of my tattoos hindi mo talaga mapapansin. 

"Pero ito, gustong-gusto ko na makikita. Just to remind everyone na you have to keep your faith," kuwento ni Karla.

Dagdag ng aktres, naging personal din kasi sa kanya ang salitang 'Faith'. 

"Favorite word ko 'yan, ever since. Pakiramdam ko ito 'yung sumalba sa akin simula't sapul ay 'yung tiwala ko sa Diyos, 'yung faith ko talaga," aniya. 

Habang tinatapos ang aktwal na pagpapa-tattoo ni Karla, tinanong siya ni Melai kung bakit parang hindi siya nasasaktan sa nangyayari.

"Sanay na ako sa 'pain', ilang beses na akong nahiwalay," agad na biro ni Karla.

Panoorin ang pagpapatattoo ni Karla dito:

Sa parehong tattoo shop sa Boracay din nagpalagay si Melai ng sunflower tattoo sa binti, ang kanyang pangalawa matapos ang rosary tattoo sa likod. 

Bukod kay Karla at Melai, ilang celebrities na rin ang nagpa tattoo sa naturang shop. Naka-display sa loob ng shop ang mga larawan nina Manny Pacquiao, Arnel Pineda at iba pa.