• Home
  • Fresh Scoops
  • Jaclyn Jose sa kanyang ‘no-acting’ style: ‘Para mas tagos’

Jaclyn Jose sa kanyang ‘no-acting’ style: ‘Para mas tagos’

Binalikan din ni Jaclyn Jose ang tinuturing niyang pinaka masayang araw sa kanyang buhay, ang pagtanggap ng 2016 Cannes Best Actress Award.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/3/2019 9:06 AM
Jaclyn Jose sa kanyang ‘no-acting’ style: ‘Para mas tagos’


Photo credits: screenshot from Cinema One and Imdb.com

Muling binalikan ng beteranong aktres na si Jaclyn Jose ang tinuturing niyang pinaka-masayang araw sa buhay niya, ang pagtanggap ng Best Actress Award sa Cannes Film Festival 2016, sa France. 

"It was nerve-wracking, and overwhelming and joy, pinaka masaya kong araw, na hindi ka na halos makapag-salita sa sobrang saya, kasama mo pa ang anak mo," kuwento ni Jaclyn sa interview ni Boy Abunda sa Inside The Cinema

Ang naturang parangal ay mula sa pagganap ni Jaclyn bilang Rosa sa pelikula ni Brillante Mendoza na Ma Rosa. Maaalalang naging emosyonal ang aktres, pati na rin ang anak nitong si Andi Eigenmann, na isa rin sa mga cast members ng pelikula. 

"Pumasok ako doon nang ang alam ko hindi ako mananalo, dahil puro idols ko lahat ng nando'n. Ito yung mga iniiyakan ko sa bahay na mga pelikula. Tapos, biglang ako?" dagdag ni Jaclyn, na inaming sobra ang kanyang pagkagulat nang tawagin ang pangalan niya. 

Isa sa mga bagay kung bakit naging kilala ang aktres, ay dahil sa kanyang kakaibang estilo sa pag-arte, o ang 'no-acting' style kung tawagin ng iba. 

Kaya nang tanungin siya ni Boy tungkol dito ang sagot niya, "Siguro I really wanted it that way, para mas tagos. Kasi kung malikot at magalaw -- gusto ko malalim siya."

 

Para sa 2016 Cannes Best Actress awardee, tumututol siya sa direktor kapag gusto nitong maging iba ang kanyang pag-arte sa partikular na role. 

"I will object, kasi I will do it as I feel like I wanted to do it. I've seen a lot. [I] watch TV, [I] watch news," paliwanag ni Jaclyn.