• Home
  • Fresh Scoops
  • Heaven peralejo, ipinaliwanag kung bakit tinago muna ang relasyon nila ni Jimuel Pacquiao

Heaven peralejo, ipinaliwanag kung bakit tinago muna ang relasyon nila ni Jimuel Pacquiao

Ayon kay Heaven Peralejo isang taong nanligaw si Jimuel Pacquaio sa kanya bago niya ito tuluyang sinagot.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

6/3/2019 8:55 AM
Heaven peralejo, ipinaliwanag kung bakit tinago muna ang relasyon nila ni Jimuel Pacquiao


Photo credit: @jimuelpacfans on Instagram/ @heavenperalejo on Instagram

Masaya ang Kapamilya actress na si Heaven Peralejo sa natagpuang unang pag-ibig kay Jimuel Pacquiao, ang panganay sa limang anak nina Manny at Jinkee Pacquiao. 

Sa interview ni Heaven sa Magandang Buhay noong nakaraang linggo, ikinuwento ng aktres kung bakit umabot ng isang taon ang pangliligaw ni Jimuel sa kanya.

"Kasi ako naman po gusto ko makita yung effort. Naghihintay din po ako no'n ng sign. Hinihintay ko rin po na ready ako. Kasi siyempre ayoko naman pong pumasok sa first relationship ko nang nagmamadali," kuwento ni Heaven. 

Dagdag ng aktres, pinaghirapan ni Jimuel ang pangliligaw dahil naging tradisyon ito sa pakikipagkilala sa mga magulang ni Heaven.

"Niligawan niya po yung both families ko. Umakyat po talaga siya ng ligaw sa both parents ko. So talagang pinaghirapan niya 'yun," ani Heaven.

Panoorin ang buong interview niya dito:

Sa parehong interview din ay ipinaliwanag ng 19-year old actress kung bakit pinili niyang itago noon ang pagkakamabutihan nila ni Jimuel. 

"Kaya tinago rin namin po for a while. Habang nangliligaw po. Habang hindi pa sure. Sabi ko [sa kanya] 'Atin na lang muna. Privacy muna [natin].

"Kasi ayoko din naman na ang daming masasabi ng mga tao. And hindi ko naman maiiwasan din po yun. So parang mas gusto kong i-cherish muna kung anong meron kami at hindi siya [bukas] sa public eye," paliwanag ni Heaven. 

 

 

READ: Heaven Peralejo and Emmanuel Pacquiao reveal how they started dating

Nitong March ay maaalalang inanunsyo ng dalawa ang pagiging opisyal ng kanilang relasyon.