• Home
  • Fresh Scoops
  • Dimples Romana, sinabing matagal pang mapapanood ang bangayan ni Daniela at Romina sa Kadenang Ginto

Dimples Romana, sinabing matagal pang mapapanood ang bangayan ni Daniela at Romina sa Kadenang Ginto

Masayang ibinalita ni Dimples Romana na marami pang mga aabangan na trending na eksena sa ‘Kadenang Ginto.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/3/2019 9:56 AM
Dimples Romana, sinabing matagal pang mapapanood ang bangayan ni Daniela at Romina sa Kadenang Ginto


Patuloy na inaabangan tuwing hapon ang mga bakbakan ng karakter ng Kadenang Ginto stars na sina Beauty Gonzales at Dimples Romana, kaya’t patuloy naman ang pamamayagpag ng show sa ratings.

Kaya naman, labis ang pasasalamat ni Dimples Romana sa patuloy na pagkapit ng mga manonood sa kanyang karakter na si Daniela. Proud naman ang aktres sa kanyang kontrabida role.

“I’m so grateful on how our Kadenang Ginto fans are embracing Daniela and I love it. Because not even kontrabiidas have their own different personas, not all kontrabidas are black, there are gray moments where Daniella shows her heart,” aniya sa panayam ng PUSH sa kanyang latest endorsement launch na Pine-sol.

Aniya, malaking tulong sa kanyang papel bilang si Daniela ang mga memes o fan art ng Kadenang Ginto, na dahilan ng pagtatak ng ilan sa kanilang mga eksena araw-araw.

“Ang saya di ba! (laughs) there are moments na kapag nagbabasa ako, ‘oh my god imi-meme nila ito!’ Alam ko gagawan nila ito,” sabi pa ni Dimples.

Dahil sa mataas na ratings, hindi din naiwasan na maitanong kung hanggang kailan mapapanood ang teleserye.

“Pwede ko ba sabihin? Parang ‘di ko yata pwede sabihin! (laughs) pero wag kayo mag-alala mga KG fans, matagal na matagal pa,” patikim ni Dimples.

Sa ngayon, patuloy pa din ang mainit na bakbakan nina Daniela at Romina sa Kadenang Ginto, na paulit-ulit din na pwedeng balikan sa iWant .