• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis at Richard Gutierrez, napiling hosts ng Binibining Pilipinas 2019?

Anne Curtis at Richard Gutierrez, napiling hosts ng Binibining Pilipinas 2019?

Matunog ang pangalan nina Anne Curtis at Richard Gutierrez bilang mga hosts ng gaganaping coronation night ng Binibining Pilipinas sa darating na June 9.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/3/2019 8:42 AM
Anne Curtis at Richard Gutierrez, napiling hosts ng Binibining Pilipinas 2019?


Photo credit: @annecurtissmith on Instagram (L)

Kasabay ng nalalapit na coronation night ng Binibining Pilipinas 2019, isa sa mga pinaka inaabangan ng pageant fans ang announcement ng magiging hosts nito.

Ilan sa mga naging suki na host ng Binibining Pilipinas ang actor na si Xian Lim.

Ilan naman sa mga natatanging female hosts sina Toni Gonzaga noong 2015, KC Concepcion noong 2016, at Pia Wurtzbach, na dalawang magkasunod na taon naging host ng Binibining Pilipinas noong 2017 at 2018.

At ngayong taon, maugong na ang bali-balitang pagbabalik ni Richard Gutierrez sa hosting kasama ang It’s Showtime mainstay na si Anne Curtis.

Kung matutuloy, hindi ito ang unang beses ni Anne na maging host ng Binibining Pilipinas. Matatandaan na noong 2014, positibo ang komento ng karamihan sa hosting skills ng Kapamilya host sa beauty pageant.

Hindi pa man kumpirmado, todo na ang excitement ng pageant fans para sa nalalapit na coronation night ng Binibining Pilipinas sa darating na June 9 sa Smart Araneta Coliseum.