• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘It’s about time’: Joseph Marco, suportado ang planong batas na po-protekta sa kapakanan ng mga TV/Film actors sa set

‘It’s about time’: Joseph Marco, suportado ang planong batas na po-protekta sa kapakanan ng mga TV/Film actors sa set

Naniniwala ang ‘Los Bastardos’ actor na si Joseph Marco na dapat ay matuloy ang planong batas na po-protekta sa kapakanan ng mga TV at Film actors sa set.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/29/2019 11:41 AM
‘It’s about time’: Joseph Marco, suportado ang planong batas na po-protekta sa kapakanan ng mga TV/Film actors sa set


Photo credit: @josephcmarco on Instagram

Nitong nakaraang linggo ay naging usap-usapan ang planong paggawa ng batas na po-protekta sa mga TV at Film actors sa set, na pangungunahan daw ng isang partylist sa kongreso. Nagsimula ang planong ito matapos tignan ang kaso sa aksidente ng namayapang batikang aktor na si Eddie Garcia.

Isa ito sa mga bagay na susuportahan ni Joseph Marco, nang tanunging siya ng PUSH sa isang interview. 

"I think it's about time, dapat matagal nang ginawa 'yan. And sana one day yung showbiz industry, maging… suportahan ng government," pahayag ng Los Bastardos actor. 

 

 

 

EXCLUSIVE: Joseph Marco confirms dating Miss Earth PH 2018 Celeste Cortesi

Joseph Marco, balik telebisyon sa ‘Los Bastardos’

Naniniwala rin si Joseph na “deserve” ng namayapang aktor ang parangal na National Artist. 

"He deserves it. Na-witness ko yung pagiging professional niya sa work, like kahit na galing siya sa segue. [Sabi ko,] 'Grabe ilang taon na 'to, [pero] hindi nale-late, kahit galing sa kabilang set. Bilib talaga ako sa taong 'to,'" kuwento niya.

Nakatrabaho noon ni Joseph si Eddie sa teleseryeng Honesto, taong 2015. Nang tanungin kung mayroon siyang hindi makakalimutang eksena kasama si Tito Manoy, "There's this one scene na parang, four times siyang nag-buckle. So tawa kami nang tawa, and nahihiya naman akong ipakita sa kaniya so kinukurot ko yung legs ko."

Gumaganap si Joseph bilang isa sa mga magkakapatid na Cardinal sa Los Bastardos kasama sina Jake Cuenca, Marco Gumabao, at Albie Casiño. Mapapanood sila araw araw sa Kapamilya Gold.