• Home
  • Fresh Scoops
  • Derek Ramsay, inamin kung ano ang dahilan ng paghiwalay sa kanyang girlfriend of six years

Derek Ramsay, inamin kung ano ang dahilan ng paghiwalay sa kanyang girlfriend of six years

Derek Ramsay, nilinaw na hindi promo para sa bagong teleserye ang kanyang breakup.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/29/2019 12:26 PM
Derek Ramsay, inamin kung ano ang dahilan ng paghiwalay sa kanyang girlfriend of six years


Photo credit: @ramsayderek07 on Instagram

Marami ang nanghihinayang na nauwi lang sa hiwalayan nitong June 2019 ang relasyon ni Derek Ramsay sa non-showbiz girlfriend na si Joanne Villablanca. They were lovers for almost six years at nagpaplano na rin sanang magpakasal.

Sa interbyu ng PUSH kay Derek ay inamin niya kung ano ang tunay na dahilan ng kanilang break-up ng ex-GF.

Ani Derek, “It’s just basically one unresolved thing… a thing that we can’t resolve. And for you to go to that next level of marriage, I think you have to feel secure in all departments.”

Madalas daw nilang hindi napagkakasunduan ang naturang “unresolved thing” na nagiging dahilan para magkaroon sila ng problema sa kanilang relasyon.

“Kapag meron kang problemang ganun tapos iniiwasan n’yo lang, doesn’t mean the relationship is healthy. You’re just pretending kasi ayaw n’yo lang ng gulo, ayaw n’yo lang mag-away, but in reality it should be dealt with and then see if you’re really happy.

“It’s not just holding on to the thoughts na kasi it’s six years na. You can’t have that mentality because later on… so I think we both came to the realization na it’s better for now that we just (part ways),” paliwanag ng aktor.

Iginiit din ni Derek na walang third party involved sa nangyaring hiwalayan.

“No. And it’s really unfair na nadadamay pa si Andrea (Torres). Nag-sorry na ako sa kanya,” paglilinaw niya.

“To all those out there even mentioning her name and for those out there mentioning that this is like a gimik that we’re using for promo, I’ve never used gimiks to promote any of my projects and I’ll never do that. So to those people, kindly stop,” pakiusap ni Derek.

Hirit pa ng aktor, “So many people are getting involved. Maraming naaapektuhan – Joanne’s family, my family, Sophie, my son Austin – and people should watch what they say.

“Sige, send me your DMs (direct message), say whatever you want to say directed at me but for you to blasted out on social media you’re hurting so many people.”

Ayon pa sa aktor, hindi naging madaling tanggapin ang breakup nila ni Joanne.

“Wala akong sinasabing madali. Not because tahimik ako it doesn’t mean hindi ako nasasaktan. I’m not scared to admit that I’m hurt. I’m not scared to admit that I feel bad, I feel sad.

“Who enjoys breakups especially a serious one like this? And I didn’t lose one person, lost two, Sophie (daughter of Joanne) is really someone special to me. I’m used to seeing her at home. She’s not my daughter but I love her like my own. It’s sad that I lost Joanne, I lost Sophie,” pabuntong-hiningang pahayag ni Derek sa PUSH.