• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘The pain never goes away’: Tirso Cruz III, emosyonal na inalala ang yumaong anak

‘The pain never goes away’: Tirso Cruz III, emosyonal na inalala ang yumaong anak

Hindi napigilang maging emosyonal ng mag-amang sina Tirso Cruz III at Djanin nang alalahanin ang yumaong panganay na si TJ Cruz sa episode ng Magandang Buhay.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/28/2019 3:33 PM
‘The pain never goes away’: Tirso Cruz III, emosyonal na inalala ang yumaong anak


Photo credit: @tirsocruziii on Instagram (L)

Naging emosyonal ang The General's Daughter actor na si Tirso Cruz III nang muling pag-usapan ang panganay niyang anak na si TJ na pumanaw kamakailan. Ayon sa aktor, ang kaniyang patuloy na pagpopost sa social media ng mga larawan ni TJ ay paraan niya para alalahanin ang mga memories kasama ang anak. 

"Yung lang pagpopost ko ng ganon, it’s my way of not letting go of his memories, of not letting go of his essence.” 

"His spirit is in Heaven, but ‘yung essence niya is something that I want to hold on to," naiiyak na pahayag ni Tirso sa episode ng Magandang Buhay nitong Biyernes, June 28. 

 

Pag-amin ng aktor, hindi pa rin nawawala ang pangungulila niya sa anak. "The pain never goes away, you just learn to live with it.” 

"Nandun ‘yung pain, hindi talaga mawawala. And sad to say wala ka na talagang magagawa. At least when you look back, you know you did the best you can," ani Tirso. 

Sa parehong interview din ay kasama ni Tirso ang kaniyang nag-iisang babaeng anak na si Djanin na hindi rin napigilang umiyak sa pag-alala kay TJ. 

"Nung wake ni TJ, never siyang (Djanin) tumingin [sa kabaong]. Sabi niya, 'I will always want to remember my kuya as my kuya when he was alive.'”

"Bodie tried to be very, very strong for us. Kumbaga spiritually si Bodie ‘yung I would say nakakalamang sa aming lahat e," kuwento ng aktor sa mga momshie hosts. 

READ JUST IN: Tirso Cruz III’s eldest son Teejay passes away at 37

Pitong buwan na ang nakakaraan nang yumao ang panganay na anak ng batikang aktor dahil sa sakit na cancer. 

READ: Tirso Cruz III pens poem in honor of son, the late TJ Cruz

READ: Tirso Cruz III and family offer praise dance at the wake of Teejay’s death

Panoorin ang interview nila dito: 

Patuloy na mapapanood si Tirso sa The General's Daughter sa Primetime Bida, tuwing weekdays sa Kapamilya network.