• Home
  • Fresh Scoops
  • Sue Ramirez walang hesitations sa pagtanggap ng daring role sa pelikula

Sue Ramirez walang hesitations sa pagtanggap ng daring role sa pelikula

Sue Ramirez, walang malisya sa katawan kaya hindi naisip na bastos ang kanyang bagong role.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/28/2019 11:40 AM
Sue Ramirez walang hesitations sa pagtanggap ng daring role sa pelikula


Photo credit: @sueannadoodles on Instagram (R)

Bukod sa paghahanda sa major solo concert ni Sue Ramirez na Sue Ramirez Is Rock Chic sa Music Museum on July 19 ay naging usap-usapan din ang pagtanggap niya ng role bilang isang sex worker sa pelikulang Cuddle Weather na entry sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino.

Ani Sue, hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang project kahit pa maselan ang papel na kanyang gagampanan sa pelikula.

“I like to take on things that I’m afraid to do. And I think this is a big step kasi ako yung tao na… wala kasi akong malisya sa katawan, eh. So it’s going to be a different attack on this movie.

“Hindi ko siya nakikitang sexy. Hindi ko siya nakikitang daring. Kumbaga, ginagawa ko lang kung anong kailangan kong gawin para sa pelikula. And that’s how I treat it, that’s why hindi ko siya naisip na bastos,” paliwanag ng singer-actress.

Iginiit pa niya na hindi rin daw siya nagkaroon ng kahit konting hesitation na gawin ng Cuddle Weather.

Lahad ng dalaga, “I didn’t hesitate even a bit. I really wanted to do the project. The script is beautiful, ang ganda nung kuwento.

“Actually, nung nag-i-story conference pa lang kami, sabi ko gusto ko siyang gawin. Walang hesitation sa akin kasi it’s something different, something na hindi pa nakikita ng mga Pilipino and something na hindi pa nila nakikitang ginagawa ko. So na-excite ako more than nag-hesitate o nagdalawang isip ako na gawin siya.”

Nabanggit din sa amin ni Sue na nakapag-first shooting day na sila si RK Bagatsing ng Cuddle Weather.

“Nag day one na kami nung isang araw ni RK and so far, so good. Ang ganda ng mga nagawa naming eksena. Hopefully, nabibigyan ko ng justice ang karakter ni Adela. This is the first time that we’ve worked together but I didn’t feel ilang. I felt very safe working with him,” wika pa niya.

Hanggang saan ba ang kaya niyang gawin sa pelikula?

“As far as they need me to and as far as Star Magic would allow me to. I don’t want to box myself. Alam naman po ng Star Magic kung ano yung capabilities and limitations ko,” sagot ni Sue.

Ang Cuddle Weather is a joint project of Regal Films at Project 8 Corner San Joaquin Projects mula sa direksyon ni Rod Marmol