• Home
  • Fresh Scoops
  • “I need my dad”: Arci Muñoz, hindi napigilang umiyak nang mapag-usapan ang yumaong ama

“I need my dad”: Arci Muñoz, hindi napigilang umiyak nang mapag-usapan ang yumaong ama

Ayon kay Arci Munoz, hanggang ngayon ay namimiss niya pa rin ang ama kahit may tatlong taon na mula nang ito ay pumanaw.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/28/2019 5:45 PM
“I need my dad”: Arci Muñoz, hindi napigilang umiyak nang mapag-usapan ang yumaong ama


Photo credit: @ramonathornes on Instagram

May tatlong taon na simula nang pumanaw ang ama ni Arci Muñoz pero hanggang ngayon, aminado ang Kapamilya actress na nangungulila pa rin siya sa ama. Sa kaniyang interview sa episode ng Magandang Buhay nitong Biyernes, June 28, naging emosyonal ang aktres habang binabalikan ang alaala ng ama.  

“Three years, pero ‘yung feeling talaga hindi nawawala. Every week akong nagsisimba e... Kunyare may eksenang kailangan kong umiyak, papakinggan ko lang yung Gypsy Kings kasi favorite yun ng papa ko yun e,” aniya. 

“I missed him every single day. Ganun pa rin, lalo na nung Father’s Day,” kuwento ni Arci sa mga momshie hosts. 

Dagdag ng aktres, bilang may malapit na relasyon sa parehong ina at ama, ninais niya noon na hindi tumanda para lang hindi niya maranasang mawalan ng mga magulang. “Sabi ko nga, pag namatay si papa, ayoko na. I can't live without my parents. Ayokong tumanda, ayokong umabot sa stage na - gusto kong mauna,” sabi niya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

My everything.. #happyfathersday

A post shared by Arci Munoz 🌻 (@ramonathornes) on

 

Para kay Arci, malaki ang natulong ng kaniyang pananampalataya para matanggap ang nasabing pagkawala ng ama. 
 
“Ako talaga during those hard times, I have to really hold on to my faith. Buti na lang very strong ang spiritual relationship namin with God.” 

“I’ll be selfish to say that I still want him here if you ask me, I need my dad.” 
 
“What people see ay yung aking strong appearance [comes from] yung very strong relationship ko kay God. That‘s what keeping me strong at mag continue to do what I love,” pagpapatuloy ni Arci habang nagpupunas ng kaniyang luha. 


Panoorin ang kaniyang interview dito:

 

 

Sa ngayon, masaya ang aktres sa mas tumibay na relasyon niya sa ina at sa mga kapatid na isa rin daw sa mga ipinangako niya sa sarili - ang hindi magbago ang pagiging masaya ng pamilya.