• Home
  • Fresh Scoops
  • Female finalist ng ‘Idol Philippines’, handa na nga ba sa pagsikat?

Female finalist ng ‘Idol Philippines’, handa na nga ba sa pagsikat?

Inaabangan na ang unang live performance ng Idol PH hopefuls ngayong darating na weekend.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/28/2019 12:29 PM
Female finalist ng ‘Idol Philippines’, handa na nga ba sa pagsikat?


Iniharap na sa entertainment press ang female finalists ng Idol Philippines na sina Fatima Louise, Sheland Faelnar, Trish Bonilla, Rachel Libres, Elle Ocampo, and Zephanie Dimaranan.

 

Kuwento ni Trish at Rachel Mae, unti-unti nilang sinasanay ang kanilang sarili sa limelight ng showbiz bilang paghahanda na din sa kanilang journey sa Idol Philippines.

“Para rin po ma pronounce ko ang words ko ng maayos kaya po ako nagpapayos at para rin po maganda ang look ko sa TV,” sabi pa ni Trish Bonilla.

“Yes sobrang hirap po itago kahit kami na e excite po kami na, oh my god top 12 na kami!” excited na tugon ni Rachel Mae Libres.

Sina Elle at Fatima naman, hindi sasayangin ang oportunidad na dumating sa kanila ngayon.

“Sobrang grateful po sa lahat ng nangyayari sa amin and lahat po kami super grateful sa opportunity na ito na maipakita namin who we are,” ani Elle Ocampo.

“Sobrang thankful po ako sobrang dami ng nagme-message message. Dati parang wala nag friend request sa akin,” dagdag ni Fatime Louise.

Si Zephanie at Sheland nagbigay patikim naman sa mga mapapanood pa sa darating na mga lingo sa Idol Philippines. 

“Sobrang hirap po ng rounds na dinaanan namin puyat, kaba, and yung pagod po talaga,” ani Zephanie Dimaranan.

“Dapat din po abangan ang mga songs ma aawitin po namin,” pahayag ni Sheland Faelnar.

Sa kanilang unang linggo, sasabak sa unang live performance ang Top 12 at pagpipilian ang mga awitin ng National Artist na si Ryan Cayabyab.