• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Sunshine Cruz, may ‘kakaiba’ daw sa kanyang ‘Mamalaya’ co-star na si Enzo Pineda

EXCLUSIVE: Sunshine Cruz, may ‘kakaiba’ daw sa kanyang ‘Mamalaya’ co-star na si Enzo Pineda

Ibinahagi din ni Sunshine Cruz ang kanyang sikreto sa kanyang pangangatawan.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/28/2019 11:47 AM
EXCLUSIVE: Sunshine Cruz, may ‘kakaiba’ daw sa kanyang ‘Mamalaya’ co-star na si Enzo Pineda


Photo credit: @sunshinecruz718 on Instagram (L)

Sa interbyu ng PUSH kay Sunshine Cruz sa syuting ng kanyang first Cinemalaya movie na Malamaya, ay ibinahagi ng aktres ang ilang sikreto kung bakit nananatili siyang looking young and still gorgeous at the age of 42.

“Mahilig akong matulog. Hindi naman ako gumigimik. I don’t smoke. I just drink wine occasionally—a glass or two of red wine or white wine. Exercise din,” simulang kuwento ng aktres na napapanood din sa ABS-CBN Sunday primetime series na Hiwaga ng Kambat.

Patuloy niya, “Pero ngayong maraming trabaho, imbes na i-exercise ko tinutulog ko na lang. Kumakain din ako lalo na pag brunch or lunch. Hindi lang kanin ko, pati tinapay, lahat kinakain ko. Wala naman akong hindi kinakain. I eat pork, beef.

“Pero pag dinner time na, medyo hindi na ako nagka-carbs, yon ang ginagawa ko. Kasi pag gabi mahirap na talaga i-burn yung food tsaka hindi excuse yung porket puyat ka, eh, kakain ka ng madami.”

Nang tanungin namin kung ano ang vital statistics niya ngayon, aniya, hindi na raw siya nakakapagsukat lately.

“Ngayon hindi ko alam. Hindi na ako nagsusukat. Pero I wear a small or medium na damit. Siguro ang waist line ko is 25 or 26 now. Pero mas maliit nung nag-Century Tuna ako—24 and a half non, 25 ako no’n,” sagot ng itinuturing ding hot mama ng showbiz.

Malaking factor din daw kung bakit kailangan niyang i-maintain ang magandang figure ng katawan ay dahil sa boyfriend niyang si Macky Mathay.

“Si Macky sobrang fit din yan, puro abs, may pa-abs. Eh, nakakahiya naman na napaka-healthy ng partner mo tapos ikaw ganyan, so nag-iingat din talaga.

“And of course, importante sa trabaho ko, kasi people always expect me to be fit, to look good. And inspiration din for mommies like me and for my girls as well, yung mga anak ko.

“Kaya sila din, into fitness din sila at talagang nag-iingat sila sa katawan nila because nakikita rin nila sa akin,” pagbabahagi pa ni Sunshine.

Samantala, kapareha ng aktres sa Malamaya ang hunky actor na si Enzo Pineda. First time nila to work together in a May-December type of film.

“If they think na it’s about May-December love affair, no it’s not, may kapupulutan ding aral dito. Meron kayong makikita na kakaiba pagdating kay Enzo. Nagsawa nga ako, eh. Hahaha!” pabiro niyang pahayag na sinundan ng malakas na tawa.