• Home
  • Fresh Scoops
  • Cherry Pie Picache, pinatawad na ang pumaslang sa kanyang ina

Cherry Pie Picache, pinatawad na ang pumaslang sa kanyang ina

Cherry Pie Picache says God took over when she forgave her mother’s killer.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/28/2019 11:21 AM
Cherry Pie Picache, pinatawad na ang pumaslang sa kanyang ina


Limang taon matapos mapaslang ang kanyang ina na si Zenaida Sison, aminado si Cherry Pie Picache na napatawad na niya ang suspek.

Sa panayam niya sa Tonight with Boy Abunda, sinabi niyang malaking parte ang Diyos sa kanyang pagpapatawad.

“Ngayon ko napatunayan na God really took over, it’s really by His grace that I was able to do it,” aniya.

“Desidido ako pero ang pinagdadasal ko sana magawa ko so I was praying ‘Please take over.’ Iba, iba [sa pakiramdam] hindi ako makapaniwala kasi dinalhan ko siya ng pasalubong pa. Sabi ko hindi ko akalain na magagawa ko na bigyan ko pa ng tinapay ‘yung taong pumatay sa nanay ko,” kuwento ni Cherry Pie.

Para sa aktres, buong puso na raw niyang pinapatawad ang lalaking pumatay sa kanyang ina.

Taliwas naman ito noong bago pa lamang nangyari ang hindi inaasahang insidente.

Read: Cherry Pie Picache says she may forgive her mom’s slayer “in God’s time”

Kuwento rin niya, mas mahirap ito ngayon para sa suspek na “bumalik na sa katinuan” dahil sila rin mismo pinipilit nilang kalimutan na may nangyari.