• Home
  • Fresh Scoops
  • Binibining Pilipinas beauty queens, suportado ang mga tomboy at beki

Binibining Pilipinas beauty queens, suportado ang mga tomboy at beki

Kasabay ng pride month, todo suporta din ang Pinay beauties sa kani-kanilang mga abdbokasiya.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/28/2019 12:34 PM
Binibining Pilipinas beauty queens, suportado ang mga tomboy at beki


Photo credit: @bbpilipinasofficial on Instagram

Full force ang 2019 Binibining Pilipinas Queens na humarap sa media para magbigay suporta sa “Rainbow Rising Project” na advocacy ng  Binibining Pilipinas Supranational 2019 na si Resham Saeed.

Ito ang kanyang pangunahing adbokasiya na suportahan ang LGBTQ community sa Pilipinas.

 

“Being an advocate for gender equality and women’s rights, its an honor to do this especially its pride month!” ani Resham Saeed sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News.

Ang bagong Miss Universe Philippines naman na si Gazini Ganados, sang-ayon sa pagbibigay suporta sa LGBTQ community at mga proyekto sa Pilipinas.

“It’s very overwhelming because I’m bringing in the pride from various people, most especially with the LGBTQ,” sabi pa ng 2019 Miss Universe Philippines.

“I am very excited for us to have the change that we are aiming for and the goals and the passion,” patuloy pa ng Miss Universe Philippines.

Tulad ng Miss Universe Philippines, todo suporta din ang 2019 Binibining Pilipinas International na si Patricia Magtanong.

 

“I think it’s amazing it has been a revolution all over the world. Human rights are LGBT rights. It’s happening even in Asia, in Taiwan the very first in Asia to legalize same sex marriage,” aniya.

At bilang isang bagong abogada, handa din daw na tumulong ang beauty queen-lawyer para sa mga miyembro ng LGBTQ community.

Bukod sa pagsulong ng kanilang adbokasiya, abala pa din ngayon ang ilang Binibini Queens sa kabi-kabilang TV guestings.