TIGNAN: Jolina Magdangal, magbabalik-MMK

Nitong Huwebes, nagbahagi ang actress at TV host na si Jolina Magdangal ng sneak peek ng kanyang script para sa nasabing episode na nakatakdang i-direk nina Ruel S. Bayani at Topel Lee.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/27/2019 8:27 AM
TIGNAN: Jolina Magdangal, magbabalik-MMK


Photo credit: @mariajolina_ig on Instagram

Magbabalik si Jolina Magdangal sa longest running drama anthology in Asia na ‘Maalaala Mo Kaya’.

Nitong Huwebes, nagbahagi ang actress at TV host ng sneak peek ng kanyang script para sa nasabing episode na nakatakdang i-direk nina Ruel S. Bayani at Topel Lee.

 

“Ang tagal ko hindi ginawa ito. Thank you so much sa [MMK] sa magandang storya at magaling na direktor. Namiss ko ito sobra. Abangan,” aniya sa caption.

Taong 2000 pa nang huling lumabas si Jolina sa MMK bilang bida sa episode na pinamagatang “Apron” kung saan siya ay gumanap na isang katulong.

Bago nito, tampok siya sa tatlo pang episode, ‘Karayom’, ‘Mangga’, at ‘Gitara’, mula 1996 at 1998.

 

Sa kasalukuyan ay gumaganap na host si Jolina sa morning talk show na “Magandang Buhay” kasama ang kanyang kapwa momshies na sina Karla Estrada at Melai Cantiveros.

Nakatakda rin siyang bumida sa isang reunion film kasama ang long-time onscreen partner na si Marvin Agustin.