• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos ang 20 years, Barbie Almalbis, maglalabas ng bagong EP

Matapos ang 20 years, Barbie Almalbis, maglalabas ng bagong EP

Pinamagatang “Tigre”, ang nasabing project ay nagsisilbing comeback ng OPM Singer na si Barbie Almalbis sa music world matapos ang dalawangpu’t taon mula nang i-launch ang kanyang debut album na Barbie’s Cradle.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/27/2019 3:43 PM
Matapos ang 20 years, Barbie Almalbis, maglalabas ng bagong EP


Photo credit: @barbiealmalbis on Instagram

Maglalabas ng bagong extended play (EP) ang OPM singer na si Barbie Almalbis.

 

Pinamagatang “Tigre”, ang nasabing project ay nagsisilbing comeback ng 41-year-old singer sa music world matapos ang dalawangpu’t taon mula nang i-launch ang debut album ng kanyang dating bandang Barbie’s Cradle.

Sa kanyang interview para sa ABS-CBN News kamakailan, ipinaliwanag ni Barbie ang kanyang naging motivation para mag-release ng digital EP sa unang pagkakataon.

“This is us adapting to the times. I know that vinyl is back as are compact discs and cassettes. My plan right now is to release a series of digital EPs and singles in bite-sized amounts then compile it. My whole mindset when doing this is a whole album. If it is on compact disc or vinyl, we’ll think about that when the time comes because it is expensive. But who knows? It sounds nice though,” aniya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

EP cover by Kuki Ulpindo. Love this so much, @kukiulpindo! — (Repost) My favorite @barbiealmalbis song, TIGRE, is launching tomorrow at 12 Monkeys! Drew the cover and supplied the actual cat/muse, Vernie! 🐈 (Long story short, we had to re-home her with Ate Barb and Kuya Mart— not exactly pet people— because she and our alpha cat, Momo, kept trying to murder each other. Now they’ve joined us in the Crazy Cat People club. As in Kuya Mart has googled, “How to say I love you to your cat.” 🤣✌🏽) #artph #womenwhodraw #womenwithpencils #mixedmedia #illustration #best_of_illustrations #kremerpigments #watercolor #watercoloristsph #childrensillustration #childrensbookillustration #khadipaper #barbiealmalbis

A post shared by Barbie Almalbis Honasan (@barbiealmalbis) on

 

Kabilang sa tracks ng “Tigre” ay ang kantang “Cover” na, sa tulong ng kaibigang si Michelle, isinulat ni Barbie para sa kanyang asawa na si Martin Honasan, isang painter at anak ng senador na si Gringo Honasan. Ikinasal ang dalawa noong 2006 at ngayon ay may dalawang anak.

Ayon kay Barbie, naging katulong niya si Martin na pag-buo ng nasabing EP.

“Kami ni Martin have started writing together. He wants to help me and we enjoy the process. One of the songs born out of that is ‘Tigre’,” aniya.

Taong 2014 nang huling mag-labas si Barbie ng studio album na kanyang pinamagatang “My New Heart”.

Bukod sa Barbie’s Cradle, naging miyembro rin si Barbie ng bandang Hungry Young Poets. Ilan sa mga sikat niyang kanta ay “Torpe”, “Just A Smile”, “Tabing Ilog”, at “Firewoman”.

Gaganapin ang official launch ng “Tigre” sa 12 Monkeys Music Hall & Pub ika-27 ng Hunyo.