• Home
  • Fresh Scoops
  • Kit Thompson, naging maingat daw sa mga intimate scenes kasama si Kim Molina

Kit Thompson, naging maingat daw sa mga intimate scenes kasama si Kim Molina

‘Kailangan kong respetuhin kung ano yung mga boundaries,’ paliwanag ni Kit Thompson bilang first time na nagkaroon ng intimate scene ang kaniyang partner na si Kim Molina.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/27/2019 12:28 PM
Kit Thompson, naging maingat daw sa mga intimate scenes kasama si Kim Molina


First day pa lang ng shooting, salang daw agad sa kanilang mga intimate bed scenes ang MOMOL Nights stars na sina Kit Thompson at Kim Molina. Sa kanilang interview sa press nitong Martes, June 25, sinabi ni Kit na naging maingat siya sa mga naturang eksena. 

"Siyempre ayoko naman na magbigla si Miss Kimmy, tsaka siyempre respect pa rin naman sa tao. Siyempre babae rin siya, kailangan kong respetuhin kung ano yung mga boundaries," pahayag ni Kit. 

Dagdag ni Kit, bukod sa pagiging daring ng kanilang bagong pelikula na MOMOL Nights hindi mawawala ang comedy nito.

"Daring siya, pero at the time same ganun din siya ka-comedic. So hindi siya heavy na daring, na love making, or what you would see, kasi light rin siya at the same time," ani Kit.

Pag-amin ni Kit at Kim, may halos apat na intimate scenes sila sa buong pelikula.

READ: Kim Molina and Kit Thompson pair up in the sexy romantic comedy ‘MOMOL Nights’

WATCH: Kim Molina learns MOMOL rules with Kit Thompson in new iWant movie

Iikot ang istorya ng MOMOL Nights sa kuwento ng karakter ni Kim bilang Peng, matapos ma-in love sa kaniyang unang beses na pagsubok sa pakikipag-MOMOL at one-night stand sa karakter ni Kit na Marco.

Nang tinanong si Kit sa kung paano niya ilalarawan ang karakter bilang Marco, "He doesn't have a partner, he doesn't want to have a partner because of past stuff. He was traumatized. Until he meets this one girl who's cute and weird and beautiful—according to her character—and Marco's life changes after that."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

@shubamagazine 📸 @davidanthonyphoto Stylist @sky_is_dlimit Grooming @keeocruz @bboy411 @augustmodels @ntamodels

A post shared by Kit Thompson (@kitthompson) on

 

WATCH: Trailer of ‘Belle Douleur’ starring Mylene Dizon, Kit Thompson

Mapapanood sa iWant ang MOMOL Nights simula June 29. Bukod dito, aabangan din sa kaniyang isa pang daring role si Kit sa isang pelikula kasama naman si Mylene Dizon na Belle Douleur.