• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Molina, sinabing walang selos ang boyfriend na si Jerald Napoles sa mga bed scenes sa ‘MOMOL Nights’

Kim Molina, sinabing walang selos ang boyfriend na si Jerald Napoles sa mga bed scenes sa ‘MOMOL Nights’

‘Sabi ko nga magselos ka naman, kahit onti,’ pabiro ni Kim Molina nang tanungin ang reaksyon ng kaniyang boyfriend sa ‘MOMOL Nights.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/27/2019 12:21 PM
Kim Molina, sinabing walang selos ang boyfriend na si Jerald Napoles sa mga bed scenes sa ‘MOMOL Nights’


Para sa theater at TV/film actress na si Kim Molina, may 'matapang na materyal' ang kaniyang bagong pelikula sa iWant na MOMOL Nights. Dahil sa sensitibo at 'liberated' na tema na MOMOL (make-out make-out lang) at one-night stand, naging maingat si Kim kasama ang kaniyang leading man na si Kit Thompson sa pagganap sa kanilang roles.

"For us kasi it’s a brave material. If we were not able to portray our roles properly, I think na baka magkaroon ng misconception—I think.

"So kumbaga our role here as actors is to show the people na kahit sort of may pagka-liberated na ang ating mga millennials, meron pa rin silang natututunan sa journey nila in life," pahayag ni Kim sa press viewing ng MOMOL Nights nitong Martes, June 25. 

Gaganap si Kim bilang Peng, isang babae na susubukan ang MOMOL at one-night stand sa unang pagkakataon. Bilang kagagaling lang mula sa breakup sa isang long-term relationship, mabilis na na-in love ang karakter sa lalaking gagampanan ni Kit na si Marco na walang balak na maging seryoso sa pakikipag-relasyon.

Bukod sa first leading role ni Kim ang MOMOL Nights, first time din daw ni Kim ang gumanap sa mga intimate scenes tulad nito.

"In fairness kay Kit, I told him it’s my first time, it’s my first lead, it's my first bed scene," natatawang sabi ni Kim.

Samantala, inamin din ni Kim na walang pagseselos siyang natanggap sa real-life boyfriend niyang si Jerald Napoles nang malaman nito ang tema ng kaniyang bagong pelikula. 

"Actually sinabi ko po sa kaniya. Akala ko parang mag-ala boyfriend na reaction [siya], pero hinde, kasi he's also an actor, tinulungan niya pa ako sa choices na pwede kong gawin kasi mas ahead siya sa akin when it comes to acting.

"Sabi ko nga magselos ka naman, kahit onti. Maramdaman ko naman na magselos ka," dagdag na biro ni Kim. 

 

Parehas na may pagganap sina Kim at Jerald sa musical stage play na Rak of Aegis. Muli silang mapapanood sa PETA Theater simula July hanggang September 2019.

READ: Kim Molina and Kit Thompson pair up in the sexy romantic comedy ‘MOMOL Nights’

WATCH: Kim Molina learns MOMOL rules with Kit Thompson in new iWant movie

Mapapanood naman ang MOMOL Nights sa iWant simula June 29.