• Home
  • Fresh Scoops
  • Filmmaker Romm Burlat believes the spirit of Wenn Deramas is guiding him

Filmmaker Romm Burlat believes the spirit of Wenn Deramas is guiding him

Di daw makakalimutan ni Romm Burlat si direk Wenn Deramas.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/27/2019 1:23 PM
Filmmaker Romm Burlat believes the spirit of Wenn Deramas is guiding him


Naging malapit na kaibigan ng indie film director na si Romm Burlat ang yumaong Direk Wenn Deramas sa pamamagitang ng isang common friend.

“Direk Wenn Deramas is my close friend and I learned many things from him bilang baguhang director.

“Pag nagsu-shoot siya nag-o-observe ako. Sabi ko, ‘I want to learn all these stuff,’ ganyan,” kuwento ng director.

Naniniwala din daw siya ni gina-guide siya ni Direk Wenn sa kanyang ginagawa.

“I think he’s guiding me now. Hindi ko siya nakakalimutan every time. And then, kinakausap ko siya. Tapos minsan, mapi-feel mo na nandiyan lang yung spirit niya. ‘Wenn, i-guide mo ako.’

“Kasi ako, I don’t write my scripts before, kasi I’m more into English than Tagalog, tapos pag nahihirapan ako, sabi ko when I’m alone, ditse (tawag sa kapatid na babae) ang tawag ko sa kanya, eh, ‘Ditse, if you’re here tulungan mo naman ako.’

“Pag kinausap ko na siya, madali na akong nakakagawa ng script. I know he’s guiding me kaya nagpapa-misa ako, ganyan. I never forget him, death anniversary, birthday niya, pag Undas nando’n din ako talaga to visit him,” lahad pa niya.

Almost 20 years na nagtrabaho sa abroad si Direk Romm. Pero dahil gusto niya talagang maging direktor, umuwi siya ng Pinas to fulfill his dream.

“Nagdesisyon ako na magtrabaho do’n kasi sa showbiz pag may project may pera, pag wala, wala. So pag nag-work ka abroad may pera talaga.

“And then I can see the places I want to see. Iniisip ko, bata pa ako I have to go to other places, kasi if I go there na mga 40 or 50 na ako, di ko na yon masyadong maa-appreciate. I have toured almost 90 countries.

“Pagkatapos no’n, sabi ko it’s about time to go back home at i-fulfill naman yung unfinished dream ko – na magdirek ng pelikula.”

Naniniwala naman siya na hindi pa huli ang lahat kaya taong 2016 nang magsimula siyang magdirek ng mga pelikula.

“I don’t think merong age requirement if you want to do something. Even if you want to learn something, di rin naman kwestyon ang edad, di ba? I want to pursue this not to make myself popular, gusto ko itong i-pursue because I love doing it,” rason pa niya.

Si Burlat ang director ng anti-human trafficking film na Bakit Nasa Huli Ang Simula na pinagbibidahan nina William Martinez, Faye Tangonan, Lance Raymundo, Jay-R Ramos at Lester Paul.

Nakatanggap na rin siya ng iba’t ibang awards bilang best director sa Agaw Pansin sa 4th Lutas Film Festival; Ama Ka Ng Anak Mo sa DepEd, Cuckoo sa 30th Asia Pacific Awards, Balikuko ng 39th Dangal ng Bayan Entertainment Awards at sa Sindi sa Gawad Filipino Awards.