• Home
  • Fresh Scoops
  • Enzo Pineda, plaster lang ang suot sa Cinemalaya film na ‘Malamaya’

Enzo Pineda, plaster lang ang suot sa Cinemalaya film na ‘Malamaya’

Inamin si Enzo Pineda na malaking challenge para sa kanya na makapareha si Sunshine Cruz.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/27/2019 1:28 PM
Enzo Pineda, plaster lang ang suot sa Cinemalaya film na ‘Malamaya’


Photo credit: @its_enzopineda on Instagram

Karakter ng isang adventurous young man na isa ring struggling artist ang role na ginagampanan ni Enzo Pineda sa 2019 Cinemalaya film na Malamaya na idinirek ng dalawang baguhang babaeng filmmaker na sina Danica Sta. Lucia at Leilani Chavez.

“My character is very adventurous. He’s been through a lot, he’s been in different relationships, but nothing serious. Siguro, very explorative siya. Nasa point siya ng buhay niya na he wants to explore life at kung ano pa mang puwede niyang magawa or ma-try,” pagde-describe ng actor about his role in the movie.

Kapareha niya ang sexy actress na si Sunshine Cruz sa Malamaya na according to him ay isang challenge and pleasure na makatrabaho niya.

“Definitely it was pleasure pero malaking challenge din kasi si Ms. Sunshine Cruz yan. So nung mga first eksena namin, nakakakaba actually.

“Kasi kung hindi ko sinet yung sarili ko to have that confidence, yung mind set, especially pagdating ko pa lang sa set, siguro baka makain lang ako sa eksena.

“So as an actor, trinansform ko talaga yung sarili ko and be that guy na hoping that Sunshine would appreciate. Basically, kailangan ko rin maging mas mature, iba yung galawa ko, iba yung kung paano ako magsalita, para maniwala talaga siya at para magkaroon talaga kami ng chemistry,” sambit pa ng aktor.

Paano niya pinaghandaan ang pagsabak sa daring love scenes with Sunshine?

Salaysay niya, Marami din akong research na ginawa.

“Nanood ako ng mga pelikula na may mga sex scenes para makita ko kung paano ba nila ito ginagawa ito, what looks good on camera. It’s a lot of effort.”

Kinakabahan din daw siya kapag alam na niyang kukunan ang love scenes

“Sa totoo lang, nakakakaba pag kinakabit palang yung plaster (sa ari). Hahaha! Sabi ko, ‘Paano ba ito?” natatawa niyang reaksyon.

“Pero bago pa lang ako magpunta sa set, mine-make sure ko na I get to have that confidence na pagdating ko sa set, ready ako. Sa bahay pa lang dini-develop ko na siya para pagdating sa syuting mababawasan na yung mga kaba ko especially with Ms. Shine.

“Makikita n’yo ako sa movie na naglalakad-lakad na walang masyadong suot,” tila nahihiya niyang pag-amin.

Ipapalabas ang Malamaya sa August.