• Home
  • Fresh Scoops
  • Cast at direktor ng ‘Clarita’, nagpasalamat sa tagumpay ng pelikula

Cast at direktor ng ‘Clarita’, nagpasalamat sa tagumpay ng pelikula

Kasado na din ang international screening ng ‘Clarita’ na mapapanood sa ilang bahagi ng USA.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/27/2019 1:37 PM
Cast at direktor ng ‘Clarita’, nagpasalamat sa tagumpay ng pelikula


Labis na pasasalamat ang ipinahatid ng mga bida ng blockbuster horror movie na Clarita na pinangungunahan ni Jodi Sta. Maria. 

Sa isang special block screening na sponsored ng Clever Minds Incorporation nitong Martes ng gabi (June 25), present sina Arron Villaflor, Ricky Davao, Romnick Sarmienta at direktor nito na si Derick Cabrido na nagpaabot ng kanilang pasasalamat sa blockbuster success ng Clarita.

“Siyempre very thankful kami, kasi maganda ‘yung pagtanggap dito sa pinaghirapan namin na pelikula and, we wanted to thank all the people who supported our film,” sabi ni Romnick.

Pasasalamat din ang ipinaabot ni Arron Villaflor sa magandang feedback sa kanilang pelikula.

“Ang sarap sa pakiramdam na hanggang ngayon pang-apat na linggo na ata itong Clarita at nandito pa din siya sa mga sinehan. Isa ‘tong achievement para sa amin at happy na sana ma-extend pa para marami na ang maka-panood,” ani Arron.

 

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Actor director Ricky Davao, present sa special block screening ng Horror movie na “Clarita” #rickydavao #clarita

A post shared by Push (@pushalerts) on

 

Ang direktor naman nito na si Derick Cabrido, na first time gumawa ng horror film, hindi din inakala na magiging succesful ang kanyang pelikula.

“Masaya kasi hindi namin inakala na magiging okay siya sa mga (viewers) sinehan and at the same time, sobrang thankful kami sa mga positive reviews na talagang nagustuhan ang pelikula,” pahayag pa ng direktor.

June 21, nagsara sa 50 Million pesos na ang kinita ng Clarita at inaasahan na mag-doble pa sa mga susunod na linggo kasabay ng pagsisismula ng international screening nito sa ilang bahagi ng Amerika.