• Home
  • Fresh Scoops
  • Ryle sa nakaalitang Hashtags member: ‘Hindi kasi ako fan ng mga nangtatalo ng kaibigan’

Ryle sa nakaalitang Hashtags member: ‘Hindi kasi ako fan ng mga nangtatalo ng kaibigan’

Hindi man nangbanggit ng pangalan, ipinaliwanag ni Ryle Santiago kung bakit hindi pa sila okay ng nakaalitang kapwa Hashtags member.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/26/2019 12:11 PM
Ryle sa nakaalitang Hashtags member: ‘Hindi kasi ako fan ng mga nangtatalo ng kaibigan’


Photo credit: @hashtag_ryle on IG

Naging tapat sa kaniyang pagsagot ang Hashtags member na si Ryle Santiago sa mainit na tanong ni DJ Jhai Ho, sa episode ng Hotspot kahapon, June 21. Sa naturang online show, inamin ng aktor at singer na may nakaalitan o nakatampuhan siyang kapwa miyembro ng nabanggit na boy group.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Malapit na ang #MMKMedalOfValor! Abangan this Saturday

A post shared by 𝐑𝐲𝐥𝐞 (@hashtag_ryle) on

"Hindi kasi ako fan ng mga nangtatalo ng kaibigan," mainit na pahayag ni Ryle habang pinili na lang na ibulong sa host kung sino ang nakaalitang Hashtags member.

"Nung nagbreak kami ng ex [girlfriend] ko, nalaman kong may lihim [siya] na pagtingin. Tapos tinanong siya isang beses [sa guesting], kung sino ang celebrity crush niya, tapos ang sinagot niya si ex [girlfriend]. Hindi niya alam na speaking terms pa kami," pagpapaliwanag pa ni Ryle.

Nang tinanong naman kung okay na sila ngayon ng nakaalitang hashtags member, "Hindi [pa okay]. Hindi nga ako sumusuporta sa mga prod (production number) niya e," aniya.

Maaalalang huling na-link si Ryle sa Star Magic artist na si Kira Balinger.

READ:Kira Balinger on Ryle Santiago: ‘He’s very special to me’

Nang tinanong naman si Ryle kung ano ang estado ng kaniyang love life sa ngayon, "Single pero lumalaban," ang sagot niya.

READ:Joshua Garcia, gaganap bilang sundalo sa ‘Maalaala Mo Kaya’

Kasama si Ryle sa cast ng bagong episode ng Maalaala Mo Kaya na pinagbibidahan ni Joshua Garcia. Gaganap si Ryle bilang ka-batch ng karakter ni Josuha na pumasok sa pagsusundalo. Mapapanood ang naturang episode ngayong Sabado, June 22, at pinamagatang, Medal of Valor