• Home
  • Fresh Scoops
  • Male finalists ng ‘Idol Philippines’, hindi ramdam ang kompetisyon sa isa’t-isa

Male finalists ng ‘Idol Philippines’, hindi ramdam ang kompetisyon sa isa’t-isa

Inaabangan na ang unang live performance ng Idol Ph hopefuls ngayong darating na weekend.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/26/2019 11:28 AM
Male finalists ng ‘Idol Philippines’, hindi ramdam ang kompetisyon sa isa’t-isa


Sa unang pagkakataon, humarap sa entertainment media ang top 12 hopefuls ng Idol Philippines na fresh na fresh mula sa tensyonadong episodes na napanood nitong weekend.

Anim sa kanila ay sina: Lance Busa, Renwick Benito, Matty Juniosa, Miguel Odron, Dan Ombao, at Lucas Garcia.

 

Si Matty at Lance, hindi inakala ang mabilis na pagdami ng kanilang supporters.

“Ecstatic. On cloud nine. Hindi ko in-expect. Para akong nananaginip. I think lahat tayo parang nananaginip,” sabi ni Matty Juniosa.

“Sobrang na overwhelemed po ako na may mga fans na. Di ko inexpect na may supporters sa iba ibang lugar tapos sinurprise din nila ako,” ani naman ni Lance Busa.

Si Renwick at Miguel naman, hindi mabilang ang best parts na mapasama sa Idol Philippines Top 12.

“Sobrang dami ko fans ngayon. Di ako makapaniwala. First time ito nangyari sa buhay ko. Sobrang blessed ko, sobrang nagpapa thank you ako kay God,” sabi pa ni Renwick Benito.

“The best part is being with great singers what they appreciate about you,” dagdag pa ni Miguel Ordon.

Para naman kay Dan at Lucas, pinaka masaya ang bagong pamilya na kanilang nabuo sa Top 12 ng Idol Philippines.

“Best part is naging family kami, hindi namin tinuturing ang competition mas nangingibabaw yung pagiging brothers namin,” sabi pa ni Dan Ombao.

“Bago po ang lahat gusto ko palakpakan natin ang Top 12. Palakpakan natin ang isa’t-isa proud po kami sa achievement ng bawat isa,” masayang tugon ni Lucas Garcia.

Sa kanilang unang linggo, sasabak sa unang live performance ang Top 12 at pagpipilian nila ang mga awitin ng National Artist na si Ryan Cayabyab.