Jake Cuenca, may pagsisisi daw sa isa sa kanyang mga tattoo

Sa halos 25 na bilang ng tattoo ng ‘Kontradiksyon’ lead actor na si Jake Cuenca, mayroon daw isa dito ang gusto niyang ipabago.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/26/2019 10:58 AM
Jake Cuenca, may pagsisisi daw sa isa sa kanyang mga tattoo


Hindi na tinuro ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca kung alin sa kaniyang 25 na tattoo ang pinagsisisihan niyang pinagawa. Sa pagsabak niya sa game na Pinush Ko O Di Ko Pinush Challenge ng PUSH Bets Live noong Biyernes, June 21, kasama ang kaniyang Kontradiksyon co-star na si Ritz Azul, inamin ito ng aktor.

"Hindi ko na kayang i-elaborate, pero meron... 'Wag kayong mag-alala, mapapabago natin 'yan. Mapapabago natin 'yan - isang magaling na artist lang [kailangan]," natatawang paliwanag ni Jake.

Noong nakaraang taon ay ipinakita ni Jake Cuenca ang ilan sa mga tattoo niya sa live television, sa programang Tonight with Boy Abunda. Dito ay ibinahagi rin ni Jake ang pagkakaroon ng matching tattoo sa kaniyang ex girlfriend na si Roxanne Guinoo.

Samantala, sa interview din ng PUSH ay ipinaliwanag ni Jake na sarili niyang desisyon ang pagiging independent o walang permanenteng ka-love team.

"Ako kasi choice ko from the beginning na ayoko talaga ng -- I'm nothing against it, pero nung umpisa ko pa lang [sa industriya] alam ko na hindi ako bagay doon. Tsaka parang mas naenjoy ko din yung makatrabaho lahat, and gusto kong makatrabaho lahat.

"Pag mayroon kang ka-love team parang responsibilidad mo rin yung ka-partner mo e. Paano kapag nagdesisyon akong gawin yun, diba kawawa naman yung ka-partner," paliwanag niya.

Panoorin ang dalawang episode ng interview dito:

 

Bida si Jake Cuenca sa bagong political action film na Kontradiksyon, kung saan ay nakasama niya sina Ritz Azul, Kris Bernal, Katrina Halili at iba pa.