• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Beauty queen and former Star Magic artist Sofia Romero inisnatch ang cellphone sa loob ng kotse

EXCLUSIVE: Beauty queen and former Star Magic artist Sofia Romero inisnatch ang cellphone sa loob ng kotse

Muntikan din habulin ni Sofia Romero ang mga magnanakaw.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/26/2019 10:11 AM
EXCLUSIVE: Beauty queen and former Star Magic artist Sofia Romero inisnatch ang cellphone sa loob ng kotse


Nabiktima ng snatcher ang beauty queen and former Star Magic artist na si Sofia Romero habang nasa gitna ng matinding trapik noong gabi ng July 24, bandang 8:30 p.m., sa EDSA Mandaluyong Bridge.

Nangyari ang pagnanakaw habang nagte-text siya sa loob mismo ng sinasakyang kotse.

Kuwento ni Sofia sa PUSH, “Galing kaming Makati ng kaibigan ko. Siya yung nagda-drive. Sira yung aircon ng kotse niya, so binaba namin bintana namin kasi alam mo naman ang init. Pero hindi totally nakababa halfway lang.

“I’m a left hand texter and nakaupo ako sa passenger seat nun, so yung kanang kamay ko ang pinakamalapit sa bintana. Rush hour ’toh, so traffic.

“Pag dating sa Guadalupe Bridge mabagal na takbo ng mga sasakyan. Hindi namin napansin ng kaibigan ko may mga bata na pala na nakaabang sa bintana namin.

“Kaloka, ang liliit pa nila. They went up the car and reached inside for both our phones then ran away really fast.”

Hahabulin sana niya ang dalawang snatcher pero nakasuot siya ng heels at natakot din siyang masagasaan sa EDSA.

“Bumaba pa ako ng kotse. Hahabulin ko sana kaso lang naka-heels ako and takot ako na baka masagasaan pa ako. Pinigilan ako ng kasama ko, balik daw ako sa kotse.

“Pag ganun kasi, ang impulse mo lumaban, eh. Ewan ko pero ganun ako. Kaso lang mamaya baka may dala pang kutsilyo or what.

“Naku ang lola mo pa naman palaban sa ganyan. Kung walang sasakyan, at hindi ako naka-heels, naku patay yun sakin. Hahahaha!” seryosong pahayag na dinaan na lang sa tawa ng beauty queen.

Nakita pa raw nila na tumakbo papuntang sementeryo ng Makati ang dalawang batang snatcher.

Sinubukan ng mga kaibigan niya na tawagan ang ninakaw na cellphone at sinasagot naman daw ito.

“Nagulat ako a few hours after nagri-ring pa rin yung iPhone ko. Buti na lang ang mga kaibigan ko na online tumulong sila, tinawagan nila phone ko.

“May sumasagot pa na matanda—ano ba daw makukuha niya para sa phone ko? Tapos nag-message pa sa akin na mag-meet kami sa EDSA.

“Naku, uminit na dugo ko no’n, kasi di naman ako tanga, di ba, para magpakita dun. If ever man may kasamang pulis,” nanggigigil na pahayag ng beauty queen.

Tinangka rin daw ng mga kawatan na i-hack ang kanyang social media account.

“Nag-send pa sila ng fake link sa Facebook ko para ma-recover ko phone ko, pero ang link ay phishing link lang so pag-click mo no’n, may possibility na maha-hack ka nila.

“By that time na sinend nila yung link since iPhone ang phone ko, nabura na at na-disable na yung laman ng phone ko sabi ng friend ko na tumulong sa paghanap ng phone ko gamit ang Find My iPhone app.

“Kaya siguro daw gumagawa na sila ng ibang paraan para mang-hack, kasi nga nadisable na yung iphone ko,” pahayag ulit niya.

Nag-message din daw sa kanya ang magnanakaw na gusto pang makipag-meet.

“Nung di ako nakipag-meet cannot be reached na phone ko, patay na. Matatalino na ang mga magnanakaw ngayon marunong sila tumingin at mang blackmail,” babala niya sa posible ring mabiktima ng mga kawatan.

Ano ang natutunan niya sa nangyari?

“I learned that pag may ganun na nangyari, mas importante ang safety mo, buhay mo. Ang cellphone, bagay lang yan na napapalitan. Ang buhay mo hindi na,” sambit niya.

“What disappointed me was the fact na wala man lang pulis or MMDA na nakabantay sa tulay na yun. Alam naman nila hot spot yun eh matagal na. Ang layo pa ng napuntahan namin na police station kasi wala kami malapitan,” huling hirit ng dating Star Magic artist.