• Home
  • Fresh Scoops
  • Donita Rose at Vina Morales, inaming nagkatampuhan noon dahil sa lalake

Donita Rose at Vina Morales, inaming nagkatampuhan noon dahil sa lalake

Sino itong lalaking artista ang sinasabing naging dahilan ng tampuhan nina Donita Rose at Vina Morales noon?

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/26/2019 10:53 AM
Donita Rose at Vina Morales, inaming nagkatampuhan noon dahil sa lalake


Tila naging reunion ang pagbisita ng real-life friends na sina Ruffa Gutierrez, Vina Morales, at Donita Rose kasama na si momshie host Karla Estrada, sa episode ng Magandang Buhay noong June 24. Bukod sa nakakatuwang mga kuwentuhan, nagkaroon din ng bukingan kung saan inamin ni Donita na nagkaroon sila ng tampuhan noon ni Vina, dahil sa ex-boyfriend nitong si Gary Estrada.

"Mayroon kaming ginawang Campus Girls, and then pinag break kami (ni Gary) ng parents ko kasi ayaw nila kay Gary, tapos naging sila (Vina and Gary) so sobrang heartbroken ako," kuwento ni Donita, habang natatawa ang mga momshie hosts dahil sa rebelasyon.

"I saw them holding hands sa [isang] premiere night. [Pakiramdam ko] sinaksak ako," dagdag ni Donita.

Paglilinaw naman ni Vina, hindi naging opisyal ang relasyon nila ni Gary, kundi Mutual Understanding lang.

Bukod dito, isang dahilan din daw ng kanilang tampuhan noon ay ang isang eksena nilang dalawa noon, kung saan ay napalakas ang sampal ni Donita kay Vina.

"Mayroon akong eksena with her na - parang ang istorya, boyfriend (niya) yung tatay ko di ba, tapos sinampal (ko siya). E kailangan kong magpakitang gilas, so sinampal ko siya nang sobra. Tapos nagtampo pala (siya) sa akin. Many years later, nagkita kami sa church sabi niya 'Nagtatampo pa rin ako sa ‘yo, sinampal mo ako nang husto,’" kuwento ni Donita.

READ: '90s Regal babies Karla Estrada, Jackie Forster, Sunshine Cruz, Donita Rose and Ruffa Gutierrez reunite

Samantala, nang tinanong naman sina Ruffa at Karla kung nagkaroon rin ba sila ng tampuhan dahil sa lalaki, "Diba nag-away tayo dahil kay Zoren (Legaspi) noon?" ani Rufa na iniwasan naman agad ni Karla.

"Kami rin ni Vina hindi kami nag-away kasi magkaiba yung taste namin. Pero yung kapatid niya nagka-away kami - joke," pahabol na biro pa ni Ruffa.

Sa kabila ng mga nabanggit na tampuhan, nilinaw ng mga magkakaibigan na hindi sila kailanman nagkaroon ng malalim na galit sa isa't-isa.

"Hindi naman away talaga, kasi never naman ang away-away sa (amin), yung mga tampuhan lang - but you know the friendship will always be there. Atsaka when we were younger, iba yung level ng friendship, now it’s really tight," sabi ni Vina. 

Panoorin ang episode dito: