• Home
  • Fresh Scoops
  • Ruffa Gutierrez, aminadong may takot pa rin sa kanyang dating asawa

Ruffa Gutierrez, aminadong may takot pa rin sa kanyang dating asawa

Ruffa Gutierrez, inaming hindi pa rin siya palagay sa kanyang sinapit noon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/25/2019 10:14 AM
Ruffa Gutierrez, aminadong may takot pa rin sa kanyang dating asawa


Photo credit: @iloveruffag on Instagram

Bagama’t may ilang taon na ang nakakalipas, inamin ng aktres na si Ruffa Gutierrez na may takot pa rin siya sa kanyang dating asawa na si Yilmaz Bektas.

Ikinuwento ito ni Ruffa sa ginanap na launch ng programang “Voices Against Violence” na pinangunahan ng Avon Foundation for Women at ng organisasyong Vital Voices.

Sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Ruffa na kahit na madalas na siyang iniimbitahan ng kanyang dating asawa sa Turkey, hindi nito magawang bumalik. Taong 2007 nang aminin ni Ruffa ang pananakit ng Turkish businessman sa kanya.

“Would you believe until now I’m still afraid of my ex-husband? Even if he’s invited me so many times to go back, I don’t want to go back because I have this notion in my head that he will kill me,” aniya.

“It's very difficult. You learn from those lessons but when we discuss it, like right now, there’s still pain in my heart. So I guess you never really forget whatever those experiences have brought you, but you just learn and you move on,” dagdag pa niya.

Dahil sa kanyang sinapit ay nagkaroon din ang aktres ng post traumatic stress disorder (PTSD).

"I was actually even in denial. My parents were saying, 'Why do you have black and blue spots in your body?' I didn’t say anything until I couldn’t take it anymore and I was ready to leave my husband," pag-alala ni Ruffa.

"Right now they [victims] have somewhere to go because back then, 12 years ago, I didn’t know who to contact, I didn’t know there was a hotline."

Hinikayat naman ni Ruffa ang iba pang mga biktima ng pang-aabuso na magsalita at sumangguni sa mga ahensyang tutulong sa kanila upang makabangon muli.

"It’s better to speak out and be free and not live in fear anymore than continue your life in a prison cell... If there’s any of you who are listening right now, if you’re getting beaten up by your husbands, we’re here, please tell us because there’s still life out there for everyone."

Sa ngayon ay mag-isang itinataguyod ni Ruffa ang kanyang mga anak na sina Lorin at Venice, na pinalaki rin niyang mga strong, independent women.