Enzo Pineda open sa May-December love affair

Enzo Pineda gusto maging single muna.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/25/2019 11:19 AM
Enzo Pineda open sa May-December love affair


Photo credit: @its_enzopineda on Instagram

Walang karelasyon ngayon ang Kapamilya actor na si Enzo Pineda na napapanood sa morning series ng ABS-CBN na Nang Ngumiti Ang Langit at leading man ni Sunshine Cruz sa 2019 Cinemalaya film na Malamaya.

Ayon kay Enzo, halos isang taon ding tumagal ang relasyon nila ng non-showbiz girlfriend. Siya rin daw ang nakipaghiwalay sa babae.

 “Oo. Ako. But it was a good breakup. Hindi naman… nothing bad happened. It’s just, ano lang, kesa naman patagalin mo pa, magiging toxic lang yung relationship. Blessing pa nga yon na natapos na,” pagtatapat sa PUSH ni Enzo nang dalawin namin siya sa set ng Malamaya.

Naging sagabal ba sa career niya ang pagkakaroon ng girlfriend kaya siya nakipaghiwalay?

Sagot niya, “No naman. Ayoko lang maging kulang at maging unfair. Kasi right now, naka-focus ako sa career ko. Kumbaga, lahat ng ginagawa ko para sa sarili ko, so I guess, hindi naman masama yon.

“So probably when I’ve achieved the things that I want to achieve, probably I can be in a relationship.”

Pinili din ni Enzo na maging single dahil napagod siya sa mga sunud-sunod na pakikipagrelasyon.

“Parang ganun. Kasi ako, I’m always been taken for the past 12 years. Meron akong… puro long relationships – three years, four years.

“So parang naramdaman kong (nakakapagod). Ako kasi, pag nagmahal binibigay kong lahat to a point na nawawala ako sa sarili ko. Now, being single, having all these projects, nag-take talaga ako ng time to know myself, to focus on myself, personal growth,” katwiran niya.

Dagdag ni Enzo, “Tayo kasi minsan, gusto natin naghahanap, pero hindi naman talaga kailangan. I think, kung dumating yung right one, mararamdaman mo naman, pero ayoko nang puwersahin.

“It’s not naman that I don’t want to bring somebody with me, pero feeling ko, hindi lang siguro ako makakapag-focus bilang boyfriend. Or kung mag-i-expect man yung taong yon, baka mahirapan siya, unless maiintindihan niya yung pinanggagalingan ko.”

Katulad ng role niya sa Malamaya na na-in love sa character ni Sunshine na mas matanda ang edad kesa sa kanya, posible rin ba itong mangyari sa kanya sa totoong buhay?

Okay ba sa kanya ang May-December love affair?

“Malaki ang possibility. I mean, kasi may pros and cons, eh -- being with somebody younger, being with somebody older. Pero it depends on the connection.

“Hindi naman ako against it and open ako, malay ko ba,” huling pahayag ni Enzo sa PUSH na natatawa