• Home
  • Fresh Scoops
  • Claudine Barretto, ipinagtanggol sa bashers ang anak na si Sabina

Claudine Barretto, ipinagtanggol sa bashers ang anak na si Sabina

Mabilis na nag-react si Claudine Barretto sa mga bashers na nagsasabing hindi 'thankful' ang anak na si Sabina.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/25/2019 7:08 AM
Claudine Barretto, ipinagtanggol sa bashers ang anak na si Sabina


Photo credit: @claubarretto on Instagram

Pagdating sa kanyang mga anak, very protective na ina si Claudine Barretto. Kaya naman nang may bumatikos sa panganay niyang si Sabina, umalma kaagad ang aktres sa mga 'nega' sa kanyang Instagram. 

Kamakailan lang ay inupload ni Claudine ang video ng kanyang surprise birthday salubong para sa anak sa social media. May ilan na nag-comment at nagsabing parang hindi masaya si Sabina sa efforts ng kanyang nanay. 

 

    

 

Mabilis na sinagot ito ni Clau at sinabing madaling araw na at pagod ang kanyang anak. Nagalit din ito dahil pinagdiinan pa ng basher na ampon lang ang dalagita. 

May ilang pang gumatong sa comments na sinagot mismo ni Sabina at sinabing pagpasenyahan na siya dahil pagod siya nang araw na iyon. Pero sinabihan siya ng kanyang mommy na di niya kailangan magpaliwanag. 

 

Nag-celebrate ng kanyang 15th birthday last June 21 si Sabina. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

15 πŸ€™πŸ»

A post shared by S A B (@sab_barretto) on

 

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy 15th my Precious Princess Angel @sab_barretto

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on