Susan Roces, pinasalamatan si Eddie Garcia

Isa si Susan Roces sa mga kilalang malapit na kaibigan ng namayapang aktor.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/23/2019 1:24 PM
Susan Roces, pinasalamatan si Eddie Garcia


Photo credit: @ABS CBN Entertainment on Youtube

Isa ang beteranang aktres na si Susan Roces sa mga nagbahagi ng kanyang mga alala-ala sa namayapang aktor na si Eddie Garcia nitong Sabado ng gabi, June 22.

Kilala ang aktres na  malapit kayi Eddie dahil sa pagiging matalik na magkaibigan nito at ng kanyang asawa na si Fernando Poe Jr.

“Marami kaming pelikulang ginawa, iba-iba ang character niya,” ani Susan sa ginanap na eulogy para saa naging kasamahan sa Ang Probinsyano.

“Ikinasal ako kay Eddie Garcia sa pelikulang ‘Maruja’ pero pagkatapos ng wedding namin ako’y uminom ng lason. Dahil ang talagang nobyo ko doon ay si Romero Vasquez,” kuwento ni Susan.

Aniya, walang kaparis ang kanyang masasayang ala-ala sa mga panahon na kasama si FPJ at si Manoy.

“Ngayon madalas ang labas ni Eddie ay kontrabida ni FPJ, pero sa totoong buhay, sila ay matalik na magkaibigan. Eddie is si much fun to be working with,” sabi pa ng beteranang aktres.

Bilang isang malapit na kaibigan, malaki din ang pasasalamat ni Susan sa aktor, na isa sa mga unang dumamay sa kanya nang pumanaw ang Da King na si FPJ.

“Ako ay nasa huling yugto na din ng aking buhay, noong mawala ang aking asawa [FPJ] andyan si Eddie at Lilybeth [Lilybeth Romero], sila ang unang-unang nakiramay sa akin kasama sina Dolphy at iba pa naming kasamahan,” ani Susan.

Inspirasyon din para sa aktres ang pumanaw na kaibigan para ipagpatuloy pa ang kanyang propesyon bilang isang artista.

“Nag isip-isip ako, sabi ko ‘ano ba gagawin ko ngayong biyuda na ako, marahil magre-retire na din ako’ pero pag nakikita ko si Eddie, ‘o nagta-trabaho pa siya, mas matanda siya sa akin, ganun din si Gloria Romero, sila ang naging inspirasyon ko na mag patuloy, sabi ko ‘sila ang dapat kong tularan’,” aniya.

“Hindi sila nagpaayos ng mukha, kung ano ang hinihingi ng role nila, ay siyang ibinibigay nila ng naayon sa natural na kaayusan ng kanilang makeup,” patuloy niya.

At bilang isang aktor, hanga din si Susan sa kabutihan ni Manoy sa kanyang mga nakasama sa industriya.

“Hindi ko pa nakita si Eddie na nagalit o may kaaway, wala pa akong narinig sa kanya, hindi siya santo, pero wala akong narinig na hindi magandang pananalita tungkol sa ibang tao, kahit na tungkol sa pulitika wala siyang komento, ang sinasabi lang niya madalas ay pagpapatawa lamang,” dagdag pa niya.