KILALANIN: ‘Idol Philippines’ Top 12 Contestants

Ipinakilala na ang 12 Idol hopefuls na lalaban ng bosesan sa mga susunod na mga linggo ng ‘Idol Philippines’.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/24/2019 7:36 AM
KILALANIN: ‘Idol Philippines’ Top 12 Contestants


Matapos dumaan sa matitinding hamon ng mga future Idol Ph contestants, opisyal nang ipinakilala sa entertainment press ang Top 12 finalist na mga maglalaban laban para sa live rounds ng Kapamilya singing search.

 

 

Mula sa 69 na nakakuha ng golden ticket, humarap sa Idol judges na sina Moira Dela Torre, James Reid, Vice Ganda at Regine Velasquez ang Top 12 finalists kung saan mangagaling ang kauna-unahang Idol Philippines.

 

 

Ang anim na male finalist ay sina Matty Juniosa, Renwick Benito, Lucas Garcia, Lance Busa, Miguel Odron
at Dan Ombao. Sa mga babae naman napili sina Elle Ocampo, Fatima Louise Lagueras, Rachel May Libres, Sheland Faelnar, Trish Bonilla, at Zephanie Dimaranan. 

 

 

Hindi naging biro ang pinagdaanan ng mga future pinoy “Idols” kaya naman isang matamis na simula ito para sa kanilang pag-abot sa kanilang mga pangarap.

At sa unang linggo ng Live Performance, aawitin ng “Idol” hopefuls ang mga likhang awitin ni Philippine National Artist for Music na si Ryan Cayabyab. Ang episode ay mapapanood sa susunod na Sabado at Linggo, June 28 and 29.