Janice De Belen, nagpa-iyak sa ‘Maalaala Mo Kaya’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

6/23/2019 12:14 PM
Janice De Belen, nagpa-iyak sa ‘Maalaala Mo Kaya’


Photo credit: @super_janice on Instagram

Well-applauded ang naging mga eksena ng aktres na si Janice De Belen sa naging episode ng Maalaala Mo Kaya nitong Sabado, June 22, ng gabi.

Si Janice ang gumanap bilang ina ng bayaning sundalo na nasawi sa Zamboanga siege na si Ian Paquit na ginampanan naman ni Joshua Garcia.

Acting showdown kung ilarawan ng netizen sa social media ang papuri para sa mahabag damdamin na mga eksena nina Janice at Joshua na nagpaluha sa mga manonood ng MMK.

Ayon kay Janice, inspirasyon niya ang kanyang sariling mga anak sa bawat eksena na kanyang ginagawa.

“Being a mother who does everything to protect her children. Sometimes in a selfish way, minsan OA. Our children need to go through life pains, heartaches, rejections, difficulties and all. But everything thst made us parents strong and wisdom-filled are the same things that will build our children,” sagot ni Janice sa ipinadala nating mensahe sa kanya.

Sa kanya namang social media, pasasalamat ang ipinaabot ng aktres para sa mga naantig sa kanyang naging performance sa longest running drama anthology.

 

 

Sa ngayon gabi gabi padin na napapanood si Janice sa The General’s Daughter.