• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Ritz Azul sa pagsali sa beauty pageants: ‘Sana tinuloy ko’

EXCLUSIVE: Ritz Azul sa pagsali sa beauty pageants: ‘Sana tinuloy ko’

Kahit na masaya sa kaniyang karera bilang aktres, aminado ang Kapamilya actress na si Ritz Azul na may panghihinayang siya sa hindi pagpapatuloy ng pangarap na maging beauty queen.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/24/2019 7:41 AM
EXCLUSIVE: Ritz Azul sa pagsali sa beauty pageants: ‘Sana tinuloy ko’


Photo credit: @ ritzazul on Instagram

Sa edad na 13, nagsimula na raw sumabak sa mga beauty pageants ang Kontradiksyon actress na si Ritz Azul. Sa kaniyang interview para sa PUSH Bets Live nitong Miyerkules June 19, inamin ng aktres na may panghihinayang siya dahil hindi niya ito napagpatuloy. 

"Kapag nakakanood ako ng mga Binibining Pilipinas, o beauty pageants, parang naiimagine ko -- siyempre may kirot pa rin sa puso ko na sana tinuloy ko. Sana nung mas bata ako at mas malakas yung loob ko, sumali ako," pahayag ni Ritz. 

Tila hindi na raw aabot sa age limit ng Binibining Pilipinas kung ikukunsidera pa ang pagbabalik training ni Ritz. "Tingin ko sa ngayon, parang malabo na, kasi siyempre unang-una yung age, 25 na ako ngayon. Magte-training pa ng one year, tapos kung hindi ko makuha sa unang try - gusto ko sanang makuha talaga. So medyo bitin na ako sa oras, at masaya na ako sa acting," paliwanag pa niya. 

 

Bilang pokus at kuntento naman na sa kaniyang karera ngayon si Ritz, mapapanood siya bagong pelikula na Kontradiksyon, kung saan ay may temang pulitkal at War on Drugs. 

Nang tinanong kung paano niya pinaghandaan ang naturang pelikula, "Honestly, natakot ako nung una kong nabasa [ang script] kasi sobrang tapang nung film. Lalo na nung unang binigay sa amin yung script doon [yung time] na sobrang sabog na sabog yung issue sa war on drugs e," paliwanag niya. 

Dagdag ni Ritz dahil sa sobrang bigat ng kaniyang role, may pagkakataon daw na nadala niya ito hanggang sa pag-uwi. 

Panoorin ang dalawang episode ng PUSH Bets Live dito:

 

Ipapalabas na sa mga sinehan ang pelikula simula June 26. Bukod sa Kontradiksyon, mapapanood din si Ritz sa teleseryeng Los Bastardos mula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN, kung saan ay kasama niya rin ang co-star niya sa pelikula na si Jake Cuenca.