• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jake Cuenca, hinihikayat ang mga kapwa artista na subukan ang pagta-teatro

EXCLUSIVE: Jake Cuenca, hinihikayat ang mga kapwa artista na subukan ang pagta-teatro

Ipinaliwanag ng 'Kontradiksyon' lead actor na si Jake Cuenca kung paano nakakatulong sa kaniyang pagiging aktor ang pagganap sa mga theater plays.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/24/2019 7:53 AM
EXCLUSIVE: Jake Cuenca, hinihikayat ang mga kapwa artista na subukan ang pagta-teatro


Photo credit: @juancarloscuenca on Instagram

Ipinangako na raw ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca sa kaniyang sarili na kahit isa o dalawang beses sa isang taon ay bibida siya sa isang theater play. Sa interview ng aktor para sa PUSH Bets Live nitong Miyerkules June 19, hinikayat ng aktor ang mga baguhan at kapwa niya artista na subukan din ang pagta-teatro. 

"Sabi ko sa sarili ko, at least once a year, o kung kaya twice a year, or pag off season ako sa teleserye or sa movies, gagawa talaga ako ng play. 

"Kasi feeling ko as actors, [at] siguro payo ko sa mga aspiring actors or actors na rin ngayon, hindi mo talaga mararamdaman yung kakayahan mo bilang artista, o hindi mo maeenjoy yung acting talaga, until you try theater," paliwanag ni Jake na sinabing kasalukuyan na siyang hinahanapan ng bagong materyal ng The Sand Box Collective, isang independent theater organization. 

Maaalalang nagkaroon si Jake ng theatrical debut nitong nakaraang taon sa pagbida sa Lungs, kung saan ay nanalo din siya bilang Best Actor in a Play at Best Crossover Artist (Mainstream to Theater) ng Broadway World nitong January 2019. 

 

 

READ: Jake Cuenca wins Best Actor for theatrical debut ‘Lungs’

"Kung ang TV, writer's medium yun, kung ang film ay director's medium, ang theater naman that's an actor's medium. Kumbaga tayo ang may hawak ng kapalaran natin as actors. At doon mo mararamdaman yung theater na kontrolado mo yung audience, at nabubusi mo yung piyesa," dagdag pa niya. 

Naniniwala ang Los Bastardos star na malaki rin ang maitutulong ng mga mainstream TV actors sa industriya ng teatro, kung magiging bukas sila dito. 

Samantala, bibida si Jake sa bagong pelikula na Kontradiksyon, kung saan ay gaganap siya bilang human rights activists na magiging PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) Agent para paghigantihan ang pamilyang naging biktima ng EJK (Extra Judicial Killings). 

Bilang isang proyekto na may pulitikal at sensitibong tema, para sa aktor isang challenge at magandang oportunidad ito. "Sabi ko magandang oportunidad ito na mabigyan ng buhay itong pelikulang ito. At the same time, challenging siya, mahirap yung role. [Kung] sabi ni Ritz nauwi niya yung character niya sa pag-uwi niya, ako bitbit ko yung character na 'yon for four months in the filming process," kuwento niya. 

Panoorin ang buong interview ni Jake dito:

Mapapanood sa mga sinehan ang Kontradiksyon simula June 26. Kasama ni Jake sa cast sina Ritz Azul, Kris Bernal, at Katrina Halili.