Why does Kyle Echarri call Francine Diaz ‘Simang?’

Francine Diaz reveals what she feels whenever ‘Kadenang Ginto’ co-star Kyle Echarri calls her ‘Simang.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

6/22/2019 12:06 PM
Why does Kyle Echarri call Francine Diaz ‘Simang?’


Photo Credit: @kyleecharri Verified on IG

Sa Tonight with Boy Abunda, nagpalitan ng first impressions nila sa isa’t isa sina Kadenang Ginto young stars Kyle Echarri at Francine Diaz.

WATCH: ‘The Gold Squad’ in fun Q&A session

“Super mahiyain po siya dati,” ang first impression ni Kyle kay Francine. “Masungit,” naman daw si Kyle para kay Francine.

Aminado rin si Francine na “bully” si Kyle. Pero para kay Kyle, ito ang dahilan kung bakit sila naging close ni Francine. “Dun po kami naging close e. Kasi lagi po siyang nakasimangot. Sinasabi ko sa kanya, ‘Oy Simang! Okay ka lang?’” kuwento ni Kyle.

Ano naman kaya ang reaksyon ni Francine sa pang-aasar sa kanya ni Kyle? “Natatawa po ako pero nakakainis at the same time. Kasi ayoko po yung Simang,” sagot ni Francine.

Ayon kay Francine, mas challenging din sa kanya ang mga kilig scenes nina Cassie at Tope (characters nila ni Kyle sa serye) kaysa sa mga bangayan scenes nila ni Marga (character played by Andrea Brillantes).

Medyo may ilangan din daw sa pagitan ni Francine at Seth Fedelin, na ginagampanan naman ang character ni Mikoy sa Kadenang Ginto. Ano kaya ang dahilan nito? “Nagkakahiyaan lang po kasi hindi po kami super close, pero getting to know each other naman po kami,” paliwanag ni Francine.

Pinapili rin si Francine kung sino ang mas cute kay Kyle at Seth at pinili ni Francine si “Kyle.”