• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Vice Ganda, tinanong si Ion Perez ng ‘Mahal mo ba ako?’

PANOORIN: Vice Ganda, tinanong si Ion Perez ng ‘Mahal mo ba ako?’

Ano ang sagot ni ‘Kuya Escort’ Ion Perez sa nakakakilig na tanong ni Vice Ganda na 'Mahal mo ba ako?'

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/22/2019 11:38 AM
PANOORIN: Vice Ganda, tinanong si Ion Perez ng ‘Mahal mo ba ako?’


Photo Credit: @ion_perezescort on Instagram (L)

Sumabak sa nakakatawang mga tanong mula sa Unkabogable star Vice Ganda, ang ilan sa mga It's Showtime members na sina Ate Girl Jackque Gonzaga, Stephen Robles, Miss Q and A former contestant Brenda Mage, at kasama rin ang rumored boyfriend niyang si Kuya Escort Ion Perez. Sa inilabas niyang vlog sa kaniyang YouTube channel nitong Miyerkules June 19, sunud-sunod ang mga kwelang tanong ni Vice sa kaniyang mga co-hosts.

"Nag-feminine wash ka ba?" "Nag-toothbrush ka ba kanina?" "Nagsasabon ka ba ng puwet pagkatapos 'umerna'?" ang ilan lang sa mga tanong ni Vice sa game na tinawag niyang “Kuryentanong.”

Pagkatapos ng unang tatlo, hindi naman napigilan ng mga kasamahan ni Vice ang kiligin sa mga tanong niya kay Ion, tulad ng "Daks ka ba?" "May ina-awrahan ka bang bakla sa Wardrobe?" kung saan tila kinilig din at pabirong nagtampo si Vice.

Natapos ang video sa mas nakakatuwa pang tanong ni Vice na "Mahal mo ba ako?" kung saan ay sinagot ni Ion ng "Yes!"

Panoorin dito ang buong video:

Sa ngayon, umabot na ng mahigit 613,000 ang views ng naturang vlog.

READ: Vice Ganda to fans: ‘Sana suportahan niyo rin ako pag nagmamahal ako’

READ: Vice Ganda answers questions about lost love from netizens

Nagsimulang maging usap-usapan sa social media ang hinihinalang pagiging mag-on ng dalawa, matapos ang episode ng Gandang Gabi Vice nitong Marso, kung saan ay inamin ni Ion na espesyal sa kaniya si Vice.

<>

 

Bagama't hindi kinukumpirma ng dalawa sa publiko ang tunay na estado ng kanilang relasyon, marami naman ang kinikilig at natututwa sa tuwing dinadaan nila biruan o minsan ay nadudulas sa ilang segment sa noontime show parehong silang bahagi. 

 

Panooring ang ilang kilig moments ng dalawa dito:

Mapapanood pa rin sila araw-araw sa It's Showtime.