• Home
  • Fresh Scoops
  • Mga abo ni Eddie Garcia, isasaboy sa karagatan ng Corregidor

Mga abo ni Eddie Garcia, isasaboy sa karagatan ng Corregidor

Bukas ang public viewing para sa mga nais magpaalam sa nag-iisang Eddie Garcia.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/22/2019 12:18 PM
Mga abo ni Eddie Garcia, isasaboy sa karagatan ng Corregidor


Simple at payapa kung ilalarawan ang unang araw ng burol ng namayapang aktor na si
Eddie Garcia sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.

< >

Tanging mga abo na lamang ng beteranong aktor ang makikita sa chapel kung saan
inaasahan na magkikita-kita ang kanyang malalapit na kaibigan at mga naiwang
kaaanak na tatagal hanggang sa darating na Linggo (June 23, 2019).

Isa ang agaran na pagsunog ng kanyang mga labi at pagsaboy ng kanyang abo sa
Manila Bay ang isa sa mga naging kahilingan ng aktor noong siya ay nabubuhay pa na
sinunod naman ng kanyang mga mahal sa buhay.

Sa nakalap na impormasyon ng PUSH, ang public viewing ay simula noong June 21
(Biyernes) nang alas-tres ng hapon na tatagal hanggang sa darating na Linggo, June
23, bago ang paglipad ng abo sa karagatan