• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Former PBB Otso Teen Housemate Aljon Mendoza, mapapanood na sa kaniyang kauna-unahang acting gig

EXCLUSIVE: Former PBB Otso Teen Housemate Aljon Mendoza, mapapanood na sa kaniyang kauna-unahang acting gig

Bilib ang dating housemate ng Pinoy Big Brother Otso Batch 2 Teens na si Aljon Mendoza sa kaniyang co-actor na si Joshua Garcia.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/22/2019 10:40 AM
EXCLUSIVE: Former PBB Otso Teen Housemate Aljon Mendoza, mapapanood na sa kaniyang kauna-unahang acting gig


Photo credit: @aljonmendozaa on IG

Kasama sa cast sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya ang dating Teen Housemate ng Pinoy Big Brother Otso na si Aljon Mendoza. Ito ang pinaka-unang acting gig ni Aljon kaya't aminado siya na kinakabahan siya sa pagsabak niya sa naturang drama anthology series.

"Masaya po and very thrilling din po kasi first time nga, and baguhan po ako and hindi ko alam yung takbo ng taping. Kaya ayun nakakapressure din, kinakabahan po, kahit hindi malaki yung role ko," pahayag ni Aljon sa interview ng PUSH, kung saan ay nagpasalamat din siya sa mga staff ng produksyon na inalalayan siya sa pag-arte. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Don’t just grow. Enjoy too 😘

A post shared by Aljon Mendoza (@aljonmendozaa) on

Gaganap ang 18-year old ex-housemate bilang kapatid ng karakter ni Joshua Garcia at anak ni Janice De Belen. Nang tinanong siya kung sino sa mga naka-eksena niya ang pinaka-bumilib siya, pinili nito si Joshua.

"Siguro po si Kuya Joshua Garcia. Alam ko nang magaling siya per nung harap-harapan po, sobrang galing niya. Isang [pitik] lang, nabigay niya agad yung emosyon, yung lines," paliwanag niya.

Para kay Aljon, hindi pa "nagsi-sink in" sa kaniya ang pagiging ganap na artista dahil isang taon pa lang naman ang nakakalipas nang una siyang mag-audition para sa Star Hunt. Gayunpaman, ay unti-unti na siyang naghahanda para sa mga paparating na proyekto sa kaniyang karera.

Bukod sa MMK episode, aabangan si Aljon sa paparating na teleseryeng pinamagatang Sandugo. Pagbibidahan ito nina Ejay Falcon, Aljur Abrenica, at Elisse Joson. Dito ay makakasama rin ni Aljon ang dalawa pa mula sa kaniyang ka-batch sa PBB OTSO na sina Reign Parani at Ali Abinal. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Cherish every moment ✨💞

A post shared by Ali Abinal (@li_abinal) on

Mapapanood ang MMK: Medal of Valor ngayong Sabado, June 22, sa Kapamilya Network.