• Home
  • Fresh Scoops
  • Morissette Amon, nagsimula nang mag-shoot para sa ‘Asian Dream’ kasama si Michael Bolton

Morissette Amon, nagsimula nang mag-shoot para sa ‘Asian Dream’ kasama si Michael Bolton

Bukod sa pagiging host, magiging mentor din si Morissette Amon sa ‘Asian Dream,’ isang Asian-wide singing competition.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/21/2019 11:09 AM
Morissette Amon, nagsimula nang mag-shoot para sa ‘Asian Dream’ kasama si Michael Bolton


Photo credit: @mowienaticsbatangas on Instagram

Proud at excited si Morissette Amon para sa Asian-wide reality singing competition na Asian Dream, kung saan ay magiging co-host at co-mentor siya ng international singer and composer na si Michael Bolton. 

"Sobrang nakaka-proud po at very honored po ako kaya excited po ako sa bawat opportunity na ibinibigay sa akin. Kahit saan po lagi nating i-wave ang flag ng Philippines," pahayag ni Morissette sa phone interview sa Magandang Buhay noong June 20. 

 

 

Kasalukuyan nang nag-shu-shoot sa Singapore ang Asia's Phoenix para sa unang season ng naturang singing competition.

Sa anim na contestants mula sa iba't-ibang lugar sa Asya, mamimili lang ng isa sina Michael at Morissette. Ang mananalo ay magkakaroon ng pagkakataon na makasama sa Asian Dream Tour na pangungunahan mismo ni Michael Bolton.

"Mayroon po kaming shinu-shoot ngayon dito sa Singapore. Tinatawag po naming Asian Dream. Kasama ko po si Michael Bolton na maghanap ng susunod na Asian Star. Ako po yung co-host and co-mentor," pagpapatuloy ni Morissette. 

Panuorin dito ang mga contestant dito:

Nakatakdang ipalabas ang Asian Dream sa fourth quarter ng taon.