• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa amang hindi pa nakikilala

Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa amang hindi pa nakikilala

Emosyonal na sinabi ni Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados na wala siyang sama ng loob sa amang hindi niya pa nakikilala hanggang sa ngayon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/21/2019 10:59 AM
Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa amang hindi pa nakikilala


Matapos koronohan bilang bagong Miss Universe Philippines 2019, bumisita sa morning talk show na Magandang Buhay si Gazini Ganados kahapon June 20, kung saan ay naging emosyonal nang mapag-usapan ang kaniyang ama.

Sa interview sa beauty queen ng mga momshie hosts, sinabi ni Gazini na nais niyang makilala ang Palestinian father na hindi niya kailanman nakita.

"But I'm still hoping na maybe I could meet him someday. [Pero] hindi naman nagkulang yung mom ko na pinalaki niya ako ng maayos. Binigay niya sa akin lahat ng love na kailangan ng isang bata," pahayag ni Gazini na sinabing ang ina na rin ang tumayong ama niya habang lumalaki.

 

LOOK: The winning moments at the 2019 Binibining Pilipinas

Sa phone interview naman ng mga momshie hosts sa ina ni Gazini na si Carmencitta, proud na nagbigay ito ng mensahe dahil sa tagumpay bilang Miss Universe Philippines.

"Alam naman niyang love ko siya kahit hindi na masyado akong nakakauwi. Kasi nga ang daming ganap sa buhay, pero alam naman niya - kaming dalawa na lang andito, kasi my grandmother just passed away," sagot ni Gazini sa kaniyang ina habang nasa phone interview ito.

Sa pagpapatuloy ng kanilang usapan, hindi naman napigilan ng beauty queen na maging emosyonal nang pagbigyan siyang manawagan sa kaniyang ama. "To my dad, or to my papa who I never met.

"Hoping to meet you someday. And I never had a grudge of how and why I didn't have a dad, because everything happens for a reason. Ayun, I hope to meet you someday," ani Gazini na nagpaluha din sa mga momshie hosts.

READ: Gazini Ganados wants to meet her Palestinian father

Si Gazini ang sumunod na nakakuha ng Miss Universe Philippines title pagkatapos ni Catriona Gray noong nakaraang taon. Sa ngayon, wala pang final date sa kung kailan lalaban sa international competetion si Gazini.