• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: ‘Kuwaresma’ actor Kent Gonzales napi-pressure kapag ikinukumpara kay John Lloyd Cruz

EXCLUSIVE: ‘Kuwaresma’ actor Kent Gonzales napi-pressure kapag ikinukumpara kay John Lloyd Cruz

Bukod sa pagiging actor, gusto din ni Kent Gonzales na maging singer.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/21/2019 9:59 AM
EXCLUSIVE: ‘Kuwaresma’ actor Kent Gonzales napi-pressure kapag ikinukumpara kay John Lloyd Cruz


Photo credit: @johnlloydcruztm/ @_kentgonzales on Instagram

Pagkatapos umani ng mga papuri sa pagganap niya bilang anak ni Sharon Cuneta sa horror film na Kuwaresma ay umaasa ang binatang si Kent Gonzales na mabibigyan pa siya ng magagagandang role sa pelikula.

“Sana po. Kahit naman po sinong bago pa lang sa showbiz industry ay wini-wish na sana magkaroon pa ng maraming pelikula. Sana po, ako din,” simulang pahayag ng Reality Entertainment contract star.

Ayon sa mga nakapanood ng Kuwaresma, para talagang si John Lloyd Cruz si Kent kung umarte. Halos similar daw ang boses at ilang nuances ni Kent kay Lloydie nung nagsisimula pa lang ito sa Kapamilya network.

“Siyempre po, it’s an honor na ma-compare, na magkaroon sila ng ganung impression sa akin na John Lloyd daw. Pero I think, wala po ako sa ganung level.

“But it’s an honor po talaga na makarinig ng ganun, kahit po si Sir Dondon (Monteverde), ganun din ang impression niya, at magaan po sa feeling at masarap sa pakiramdam,” reaksyon ng binata nang huli namin siyang makausap.

Ginagaya ba niya intentionally si John Lloyd sa pag-arte?

“Hindi ko naman po ginagaya si John Lloyd. Nakapanood na po ako ng mga films niya dati at siguro nakapulot po ako ng konting nuances niya, acting skills po, siguro po ganun. Tapos nai-apply ko po yon sa acting ko.

“Pero grabe po yung pressure on my part na ganun yung impression ng ibang tao sa akin, na parang John Lloyd. Mula nung nasabihan po ako ng ganyan, kailangan ko pong lalong pagbutihin at i-live-up ko yung ano, at ma-meet ko yung expectations ng mga tao at ng directors ko,” he said.

Ano bang particular film ni John Lloyd ang pinakapaborito niya?

“Gusto ko talaga yung One More Chance nila ni Bea at saka yung Honor Thy Father niya. Napakagaling po talaga ni John Lloyd. Napakanatural pong umarte,” papuri niya sa iniidolong actor.

Bukod sa pag-arte, gusto ring i-pursue ni Kent ang pagiging singer.

“If kaya ko po, pagsabayin ko yung acting at singing. Kung ano po yung unang maibibigay na project, do’n po ako. Pero kaya ko naman po sigurong pagsabayin,” giit niya.

Kung sa pag-arte ay si John Lloyd ang iniidolo niya, sino naman ang influences niya bilang singer?

“Sa international po gusto ko sina Justin Bieber, Ed Sheeran, One Direction. Dito naman po sa atin, gusto ko sina Bugoy Drilon at Michael Pangilinan,” pagtatapat ng guwapong binata