• Home
  • Fresh Scoops
  • Catriona Gray, may payo sa reigning queens ng Binibining Pilipinas

Catriona Gray, may payo sa reigning queens ng Binibining Pilipinas

Nagbigay payo din ang Miss Universe 2018 kung paano masasagot ng tama ang Q and A.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/21/2019 11:05 AM
Catriona Gray, may payo sa reigning queens ng Binibining Pilipinas


Back to work na ulit si 2018 Miss Universe Catriona Gray matapos ang series of media appearances niya dito sa Pilipinas kasunod ng pinag-usapan na 2019 Binibining Pilipinas coronation night.

At isa sa mga tatak sa mga netizen ang farewell speech ni Catriona bago ipasa ang Miss Universe Philippines crown.

 

Trivia ng reigning Miss Universe, ito ang mga naipon niyang mensahe para sa mga kababayan na naging inspirasyon niya sa tagumpay.

“I was really overwhelmed by the feedback. It’s a really emotional moment for me, I don’t know what to say, so much has happened with this journey,” tugon ng 2018 Miss Universe sa press.

“The message I gave really came from my heart. It’s what I want to share,” patuloy pa niya.

Ibinahagi din ni Cat ang unang pag-uusap nila ni 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados backstage.

“She was so sweet. When I met her backstage with the winners’ circle, she was like ‘Oh my Gosh Cat, I’m so overwhelmed!’ She was the sweetest girl and I wish her nothing but the best,” maikling kuwento ni Cat.

Payo pa ng 2018 Miss Universe sa mga kandidata kung paano maisasantabi ang kaba lalo na sa Q and A portion, “It’s a grace under pressure environment, it’s a complete high nerves environment. If it’s your time, it’s your time,” sabi pa ni Cat.