• Home
  • Fresh Scoops
  • THROWBACK: Baby Daniel Padilla sa kanyang unang TV guesting kasama ang inang si Karla Estrada

THROWBACK: Baby Daniel Padilla sa kanyang unang TV guesting kasama ang inang si Karla Estrada

Ikinatuwa ng maraming fans nang mag-upload si Karla Estrada ng isang throwback photo mula sa unang television guesting ng panganay na si Daniel Padilla noong siya’y sanggol pa lamang.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/20/2019 2:07 PM
THROWBACK: Baby Daniel Padilla sa kanyang unang TV guesting kasama ang inang si Karla Estrada


Photo credit: Julie Rose Gica's Facebook

Ikinatuwa ng maraming fans nang mag-upload si Karla Estrada ng isang throwback photo mula sa unang television guesting ng panganay na si Daniel Padilla noong siya’y sanggol pa lamang.

Ibinahagi ng “Magandang Buhay” host ang nasabing still na kuha noon pang 1995 sa pamamagitan ng Instagram nitong Huwebes.

“My Son Daniel’s 1st TV guesting! 1995. Ang mag-inang bungisngis! Iyak tawa ako ako dyan eh. ‘Di ko kinaya,” aniya sa caption.

 

Bago pa man ang post ni Karla ay nauna nang nag-viral ang Facebook post ng isang fan na nagngangalang Julie Rose Gica kung saan makikita ang ilan pang retrato ni Daniel mula sa iisang interview.

“Sooobrang cutie ni baby Daniel. KAGIGIL,” ani ng nasabing netizen sa kanyang caption.

Si Daniel ang nagi-isang anak ni Karla at ng kanyang dating partner at seasoned actor na si Rommel Padilla.

Bukod sa aktor ay may tatlo pa siyang anak – Joselito, Margaret, at Carmella – mula sa dating mga naka-relasyon.